Default Thumbnail

Kelot na wanted sa mga kasong theft, nagbigti

January 10, 2023 Edd Reyes 1048 views

BINAWIAN nang buhay matapos ang dalawang araw na pagkaka-comatose ang nagbigting lalaki na akusado rin sa kasong pagnanakaw Lunes ng hapon sa Navotas City.

Dakong alas-3:28 ng hapon (Enero 9) nang ideklarang patay na ng mga doktor sa Navotas City Hospital ang 29-anyos na biktima na naunang nadiskubre ng kanyang 20-anyos na live-in partner na nakabitin sa terrace ng kanilang tirahan sa Barangay Daang Hari dakong alas-8:30 ng gabi noong Biyernes.

Sa imbestigasyon ni Navotas homicide investigator P/Cpl. Florencio Nalus, alas-7 ng gabi noong Biyernes nang ipabatid ng biktima sa kanyang live-in partner na magpapahinga lamang siya sa terrace ng kanilang tirahan subalit nang hindi pa bumaba para maghapunan, pinuntahan ng ginang ang kinakasama at dito niya nakitang nakabitin ang lalaki.

Humingi ng tulong sa kanyang mga kaanak ang ginang upang mapatid ang taling nakapulupot sa leeg ng kinakasama bago nila isinugod sa pagamutan kung saan dalawang araw siyang na-comatose hanggang sa tuluyang pumanaw.

Lumabas sa pagsisiyasat ng pulisya na may “problema” diumano sa pakikipag-relasyon ang biktima sa kanyang live-in partner, batay na rin sa naging pahayag ng kanyang kaanak na tinitingnan na anggulo ng mga imbestigador,

Ang biktima ay may bukod pang nakabimbing mga kaso sa sala nina Metropolitan Trial Court (MTC) Judge Ma. Ofelia Salgado Contreras-Soriano ng Branch 55 at Judge Maya Joy Panaga Guiyab-Camposanto ng Branch 120 ng Malabon City na parehong dahil sa salang pagnanakaw.

AUTHOR PROFILE