Hospital

Kelot inambush, 1 dedo

May 12, 2023 Jonjon Reyes 302 views

Bunsod ng love triangle?

PATULOY ang isinasagawang imbestigasyon at follow-up operation ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section matapos ratratin ng bala ang isang 40-anyos na Grab driver hapon ng Biyernes, para malaman kung may kaugnayan umano ito sa “Love Triangle.”

Agad pang naisugod sa Chinese General Hospital ang biktimang nakilalang si Ronwaldo Lapidario ng San Vicente, Bulacan, subalit binawian din ng buhay.

Habang ang kasama nitong babae na si “Eva” na 41-anyos, may asawa, nakatira sa Yakal Street, Sta. Cruz, Manila, ay masuwerteng hindi tinamaan ng bala.

Lulan ng kulay puting Toyota Fortuner ang gunman.

Ayon kay Police Major Arnold Echalar, hepe ng Alvarez Police Community Precinct, bandang 1:30 ng hapon nang ratratin ng bala ang biktima sakay ng kotse na kulay asul na Suzuki sa panulukan ng Felix Hurtas malapit sa Tayuman Street sa Sta. Cruz, Manila.

Unang rumesponde sa pinangyarihan si Echalar at isa rin ito sa nagsugod sa naturang ospital upang malapatan ng pangunahing lunas ang biktima.

Kaagad silang tumawag sa tanggapan ni Police Captain Dennis Turla, hepe ng MPD- Homicide Section, na inutos sa kaniyang mga tauhan na magsagawa ng imbestigasyon sa naturang insidente.

Isa sa mga tinitignang angulo ay kung may kinalaman ito sa “love triangle.”

AUTHOR PROFILE