Suspek Ang suspek (gitna) habang inaaresto sa paglabag umano sa Omnibus Election Code ng mga operatiba ng DIOU-MPD sa pamumuno ni P/Capt. Rufino Casagan. Kuha ni Jon-jon Reyes

Kelot huli sa paglabag sa Omnibus Election Code

February 22, 2023 Jonjon Reyes 335 views

KULONG sa likod na rehas na bakal ang isang 26-anyos na tambay, sa District Police Intelligence Operation Unit (DPIOU) ng Manila Police District (MPD) dahil sa kasong paglabag sa Omnibus Election Code, nang mamataan sa kanyang lugar sa lungsod ng Caloocan, iniulat ng pulisya.

Ayon sa ulat ni P/Capt. Rufino Casagan, hepe ng DPIOU, bandang 6:20 ng gabi, nang damputin ang suspek sa kinaroroonan nito sa nasabing lugar.

Kasama ni Casagan si P/Capt. Veronica Apresurado, assistant team leader, nang silbihan ng warrant of arrest ang suspek.

Ibinaba ang warrant of arrest ni Presiding Judge Francisco Mendiola ng Regional Trial Court Branch 115 ng Pasay City, Hunyo 6, 2018 at may piyansang P36,000.

AUTHOR PROFILE