Default Thumbnail

Kasambahay natagpuang bangkay

May 30, 2023 Jonjon Reyes 258 views

ISANG 47-anyos na kasambahay ang natagpuang wala ng buhay sa loob ng banyo ng pinaglilingkurang bahay Martes ng umaga sa Sampaloc, Manila.

Agad rumesponde ang mga tauhan ni Police Lieutenant Colonel Wilson Villaruel, Commander ng Manila Police District-Sampaloc Police Station 4, kinordon ang banyo at itinawag ang insidente sa MPD- Homicide Section

Ayon sa ulat ni Police Captain Dennis Turla, hepe ng Homicide Section, bandang 9:15 a.m. nang madiskubre ang bangkay ng amo ng kasambahay, kaya agad itong nakipag ugnayan sa nakakasakop na barangay.

Tumawag ang mga barangay official sa Lacson Police Community Precinct na sakop ng Station 4.

Ayon sa salaysay ng amo, Sabado ng nakita niyang buhay sa kanyang bahay bago pa man pumasok sa trabaho ang kasambahay

Nagsasagawa pa rin ng masusing imbestigasyon ang mga kapulisan kung may foul play sa nasabing insidente habang hinihintay ang resulta ng awtopsiya nito.

AUTHOR PROFILE