Kasal ng anak nina Bong at Lani nabahiran ng pulitika

November 13, 2021 Aster Amoyo 298 views

LAST Thursday, November 11 ay ikinasal ang isa anim na anak ng mag-asawang Sen. Bong Revilla, Jr. (55) at Lani Mercado (53) na si Gianna Revilla (Victorial Gianna Bautista) – 24 sa fiancé nitong si Jed Patricio na ginanap sa Revilla Farm in Silang, Cavite.

Si Gianna ay pangatlong ikinasal sa mga anak ng mag-asawang Bong at Lani. Nauna na rito si Inah na sinundan ni Jolo. Ang tatlo pang anak ng mag-asawa na wala pang asawa ay ang kanilang panganay na si Bryan at younger siblings nitong sina Loudette at Ram.

Samantala, nahaluan ng pulitika ang kasal nina Gianna at Jed dahil sa mga personalidad na dumalo sa kasal ng dalawa na pinangunahan ng dalawang controversial personalities na sina dating Sen. Bong Bong Marcos at Davao Mayor Sarah Dueterte-Carpio, dalawa sa mga tumayong principal sponsors ng kasal. Naroon din ang dalawa sa mga barkada ni Sen. Bong na sina dating Sen. Jinggoy Estrada at Phillip Salvador, Sen. Bato de la Rossa, House Deputy Speaker Martin Romualdez at iba pa.

Lalo naman umugong ang tambalang Bongbong at Sara dahil pagkatapos ng reception ay doon na rin ginanap ang panunumpa ng Presidential daughter sa kanyang pag-anib sa Partido ng Lakas-CMD. Ang hindi nga lamang sigurado sa ngayon ay kung pagka-Pangulo or Vice-President ang tatakbuhan ni Inday Sara o magpapalit sila ng puwesto ni Bongbong na tila hindi gagawin ng huli.
Gayunpaman, on or before Monday, November 11 ay malalaman ang magiging final decision ni Inday Sara kung pagka-President o Bise-Presidente ang kanyang tatakbuhan matapos itong mag-back out sa kanyang muling pagkandidato sa ikatlong term bilang mayor ng Davao. Ang nakababatang kapatid ni Inday Sara na si Davao vice-mayor Baste Duterte ay umatras din sa kanyang kandidatura bilang vice-mayor ng Davao at sa halip ay tatakbo na siya sa pagka-mayor ng Davao na mababakante sa pag-atras sa local position ng kanyang nakatatandang kapatid.

Sana lamang ay maging huling pagkakataon na ito ng mga kandidato na umaatras sa kanilang kandidatura at the last minute para magpalit ng posisyon na tatakbuhan.

Samantala, ang pakiramdam ng marami ay na-outshine ang wedding nina Gianna at Jed dahil sa presence nina former Sen. Bongbong Marcos at Davao City mayor Sarah Duterte at iba pang political personalities na dumalo sa kasal ng dalawa.

John co-director na sa ‘Ang Probinsyano’

DAHIL sa sunud-sunod na lock-in tapings ng top-rating and longest-running action-drama series na “FPJ’s Ang Probinsyano” kung saan kabilang ang actor-director na si John Prats, hindi nito nagagampanan ang pagiging bagong director ng noontime show na “It’s Showtime” dahil hindi ito makaalis sa serye. Naging close friend na niya ng mahabang panahon ang lead-actor-director na si Coco Martin maging ang iba pa nilang kasamahan sa serye.

John is definitely torn between his career and as an actor and direktor ng “It’s Showtime”. May mga haka-haka pa noon na malapit nang patayin ang character niya sa “FPJ’s Ang Probinsyano” para tuluyan na niyang maharap ang kanyang pagiging director ng “It’s Showtime” pero ang balitang ito ay tila malayo na sa katotohanan dahil ginawa pa si John bilang isa sa mga co-director ng “FPJ’s Ang Probinsyano.”

Bukod sa misis niyang si Isabel Oli, very proud din sa kanyang Kuya John ang Kapuso TV host-actress na si Camille Prats.

Speaking of “FPJ’s Ang Probinsyano,” this coming week ay magsisimula nang mag-taping ang megastar na si Sharon Cuneta bilang bagong karagdagan ng serye.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram@asteramoyo, Facebook@asteraamoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE