Karylle ingat na ingat sa unang pagbubuntis

May 2, 2021 Aster Amoyo 11318 views

AFTER seven years of being married and waiting for their first baby, singer-songwriter and “It’s Showtime” host and “Tawag ng Tanghalan” segment juror Karylle (Ana Karylle Padilla Tatlonghari-Yuzon) is finally pregnant sa magiging first baby nila ng kanyang husband, ang Spongecola frontman and songwriter na si Yael Yuzon. Tuwang-tuwa para sa kanilang mag-asawa hindi lamang ang mga kasamahan ni Karylle sa “It’s Showtime” noontime program kundi maging ang kanilang mga kaibigan lalung-lalo na ang estranged parents ni Karylle, ang singer-host na si Zsa Zsa Padilla at si Dr. Modesto Tatlonghari (isang dentist) dahil magkakaroon na sila ng (kauna-unahang) apo.

Ang mag-asawang Karylle at Yael ay ikinasal nung March 21, 2014.

Para mapangalagaan ang pagbubuntis ni Karylle sa kanilang magiging first baby ni Yael, she’s taking a leave of absence muna sa kanyang hosting job sa “It’s Showtime”.

Bernadette magaling na mula sa Covid 19

IBINAHAGI ng ABS-CBN radio and TV anchor na si Bernadette Sembrano-Aguinaldo sa kanyang Instagram account last Saturday, May 1 ang tuluyang paggaling sa Covid-19 matapos niyang makumpleto ang 14-day isolation at tatlong araw na walang sintomas.

Binigyan na rin siya ng kanyang doctor ng go signal sa kanyang pagbabalik-trabaho.

Inaasahang babalik na rin si Bernadette sa pagiging co-anchor ni Julius Babao sa kanilang daily program sa Teleradyo maging sa “TV Patrol” kasama sina Kabayan Noli de Castro at Henry Omaga-Diaz na nag-self quarantine din for 14 days .

Samantala, marami rin ang umaasa at nagdarasal para kay Bernadette na sana’y mabiyayaan na rin sila ng kanyang mister na si Orange ng sarili nilang anak.

The couple got married on June 12, 2008 at magti-13 years na rin silang mag-asawa na wala pa ring anak. Ang mister ni Bernadette na si Orange Aguinaldo ay great grandson ng kauna-unahang Presidente ng Pilipinas na si Emilio Aguinaldo.

Isa na namang Menudo member pumanaw na

NAGLULUKSA ngayon ang pamilya, mga kaibigan, dating mga kasamahan at fans ng ex-Menudo member na si Ray Reyes na sumakabilang buhay nung nakaraang April 30, 2021 sa edad na 51. Natagpuan itong wala nang buhay sa kanyang tahanan sa Levittown, Toa Baja, Puerto Rico.

Si Ray ay pangalawang ex-Menudo member na sumakabilang buhay after Anthony Galindo. Nagtangka itong magpakamatay dahil sa depression dahil sa pagsasara ng mga entertainment venues sanhi ng Covid-19 pandemic. Siya’y namatay sa edad na 41 sa Miami, Florida, USA nung October 3, 2020.

Si Ray ay naging bahagi ng iconic Puerto Rican boyband na Menudo nung 1983 when he was 13 hanggang 1985 pagsapit niya ng 15. Dalawang taon lamang siya tumagal sa grupo at agad siyang pinalitan ni Raymond Acevedo.

Siya’y ipinanganak sa New York City, USA nung March 13, 1970 but was raised in Levittown, Puerto Rico kung saan siya nanatili until the time of his death.

Si Ray ay dalawang beses nag-asawa at meron siyang dalawang anak, sina Marcos at Cecilia Reyes. Ang kanyang amang si Rey Reyes, Sr. ay isang successful businessman. Ang kanyang nakababatang kapatid na si Raul Reyes ay isa ring singer at naging lead singer ng isang Puerto Rican rock band, ang Radio Pirata. Naging advertising voice-over talent din siya.

Mataba noong bata pa si Ray kaya bago siya isinilang sa Menudo ay binigyan siya ng strict diet ng kanilang manager na si Edgardo Diaz. Ang kanyang first album with the Menudo nung 1983 ay ang “A Todo Rock” kung saan siya ang kumanta sa lead vocal sa mga awiting “Si Tu No Estas,’ “Chicle de Amor” at “Zumbador”. Nagpatuloy siya hanggang mag-number 1 ang awiting “Indianapolis”. Naging favorite covers na rin noon ang Menudo sa iba’t ibang teen magazines kasabay ng kanilang pagsikat sa Brazil, Philippines and Japan. Napasama rin siya sa tatlo pang albums ng Menudo which were all recorded in 1984 at kasama na rito ang kanilang first English album na “Reaching Out”. From same album ay kinanta ni Ray (on lead vocas) ang awiting “That’s What You Do”. Sumunod dito ang “Mania,” ang kanilang second album in 1984 and their first album in Portuguese. Kinanta naman ni Ray ang “Quero Ser”. Ang pangatlong album ay ang “Evolucion” kung saan si Ray ang kumanta ng “Persecucion” at “Yo No Fui” at ‘yun na ang last album ni Ray bilang miyembro ng Menudo. Napilitan naman siyang alisin sa grupo dahil sa bigla nitong pagtangkad at age 15. Taong 1986 nang gumawa siya ng solo album in Portuguese, ang “Minha Musica”. Two years later ay nagsama-sama sila ng dalawa pang ex-Menudo members na sina Rene Farrait at Johnny Lozada sa recording ng “Proyecto M” na naging matagumpay sa Brazil at Venezuela. Taong 1997 naman nang maisipan niyang magkaroon ng ex-Menudo reunion concert kasama ang ilang past members ng grupo tulad nina Miguel Cancel, Charlie Masso, Ricky Melendez, Johnny Lozada at Rene Farrait sa pamamagitan ng “El Reencuentro” na ginanap sa 12,000 seating capacity na Roberto Clemente Coliseum in San Juan, Puerto Rico. Naging successful ang nasabing reunion concert na umabot ng 7 shows in two weekends hanggang sa umabot ito sa kanilang worldwide tour with a total of 11 concerts. Si Ray ang nag-produce ng kanilang gold-certified live album na “El Reencuentro: 15 Anos Despues” na released ng Fonovisa Records.

Menudo was formed in 1977 by Puerto Rican producer and talent manager na si Edgardo Diaz with botherrs Carlos Melendez (12), Oscar Melendez (11), Ricky Melendez (9)at ang magkapatid na Fernando Sallabury (12)at Nefty Sallabury (13) as the original members. Magmula noon ay ilang beses nang nagpapalit-palit ang members ng grupo na umabot na sa halos 40 at kasama na rito ang most popular past members na sina Ricky Martin, Robby Rosa (now Draco Rosa) at Charlie Masso.

Ang popularity ng Menudo ay hindi lamang sa Puerto Rico at iba pang Latin American countries kundi umabot ito ng iba’t ibang bahagi ng mundo including Asia at kasama na rito ang Japan at ang Pilipinas kung saan sila nagkaroon ng solid strong following at mga sold-out concert sa Folk Arts Theater at Araneta Coliseum.

Bukod sa mga hit songs and albums in Spanish ng Menudo, nakagawa rin sila ng mga hit songs in English at kasama na rito ang “Please Be Good To Me,” “Hold Me,” “Like A Cannonball,” at “If You”re Not Here”. Nakagawa rin sila ng album sa Pilipinas under RCA International, ang “In Action”.

Subscribe, like, share and hit the bell button of “TicTalk with Aster Amoyo” on YouTube and follow me on Instragram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE