Karnaper kritikal matapos manlaban

May 17, 2022 Jonjon Reyes 87 views

UMALMA sa mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang lalaki na nasa “most wanted” sa kasong carnapping makaraang manlaban at makipagpalitan ng putok sa mga awtoridad, Martes ng tanghali sa Capulong St., Tondo, Maynila.

Kasalukuyang inoobserbahan sa pagamutan ang suspek na si Romeo Garcia, nasa hustong gulang, ng Capulong St., Tondo matapos tamaan ng bala ng baril mula sa mga pulis na gumanti ng putok matapos maunang magpaputok gamit ang .38 revolver. Ni Jon-jon Reyes

AUTHOR PROFILE