PCG Pinaalalahanan ni PCG Commandant CG Admiral. Artemio M. Abu na maging disiplinado at masunurin ang may 1,325 trainees na sasailalim sa Coast Guard Non-Officer’s Course (CGNOC). Kuha ni Jon-jon Reyes

5 ‘Marker’ inilatag ng PCG sa WPS

May 17, 2022 Jonjon Reyes 76 views

Drop lead: 1,325 CGNOC trainees sasanayin

LIMANG buoy o “marker” ang matagumpay na nailagay ng Philippine Coast Guard (PCG) sa West Philippine Sea (WPS) noong nakaraang Linggo upang gabayan ang mga barko at mangingisda sa pag-navigate sa “exclusive economic zone” ng bansa.

Ayon sa PCG, bawat buoy o marker ay inilagay malapit sa Lawak Island, Likas Island, at Parola Island. Dalawang buoy naman ang inilagay malapit sa Pag-asa Island.

Ayon kay PCG Commandant Admiral Artemio M. Abu, wala namang nangyaring tensiyon nang isagawa ang aktibidad kung saan maging ang China Coast Guard ay nakasubaybay.

“Limang barko ng Coast Guard ang nandoon. One week sila doon. Ang guidance ko sa kanila, unahan niyo sila, tayo ang mag-challenge sa kanila. So ano nangyari? E tayo nagcha-challenge, hindi naman sila nagre-reply,” pahayag ni Abu.

Magsasagawa ng arrival honors ang PCG sa Miyerkules para sa task force ng Coast Guard na matagumpay na nailagay ang limang buoy sa WPS.

Sinabi ni Abu na ang mga barko ng PCG ay lalahok sa Regional Marine Pollution Exercise (MARPOLEX) 2022 sa Indonesia mula Mayo 22 hanggang 29.

Ang nasabing pagsasanay ay susubok sa kakayahan ng mga coast guard ng Pilipinas, Indonesia, at Japan sa pagtugon sa mga oil spill.

Ang pinakabago at pinakamalaking multi-response vessel ng PCG, ang BRP Teresa Magbanua (MRRV-9701), ay lalahok rin sa MARPOLEX 2022.

Ang iba pang barko ng PCG na sasama sa nasabing pagsasanay ay ang BRP Gabriela Silang (OPV-8301), BRP Malapascua (MRRV-4403), at BRP Cape Engaño (MRRV-4411).

Samantala, sinubok ni Philippine Coast Guard (PCG) Commandant CG Admiral Abu na maging disiplinado at masunurin ang may 1,325 trainees na sasailalim sa Coast Guard Non-Officer’s Course (CGNOC) sa PCG regional training centers sa Taguig, La Union, at Zamboanga.

Bago pa man sumabak sa anim na buwang pagsasanay, nagsama-sama ang mga trainees ng CGNOC Class 90, Class 91, at Class 92 sa Pier 13, Port Area, Manila para sa joint oath-taking at conveying ceremony araw ng Lunes.

“It is expected of every Coast Guard personnel to be an individual of character. I want to emphasize the importance of discipline and obedience. You need to learn and cultivate the culture of respect, trust, teamwork, and good human relations,” ani CG Admiral Abu.

Binigyan diin din ng Komandante ang kahalagahan ng mga pagsubok na pagdaraanan nila sa training center para maging epektibong kabahagi ng PCG sa pagtupad ng mga mandato nito.

“You must be physically fit, academically proficient, and a public servant with a strong foundation of virtues and character. We expect no less from all of you,” dagdag pa niya.

Kinilala at pinasalamatan din ni CG Admiral Abu ang mga magulang na sumusuporta sa kanilang mga anak sa pagkamit ng pangarap na makapasok sa PCG.

“Thank you for entrusting your sons and daughters under our supervision. We assure you that we will do our best for them to become better versions of themselves,” pahayag ng Komandante.

“To our trainees, strive hard for excellence! I challenge all of you to finish the course. Walang mag-re-resign. Walang mag-qu-quit sapagkat napakaraming kabataang Pilipino ang nagnanais na mapabilang sa inyo. Huwag ninyong sayangin ang pagkakataong ito,” pagtatapos niya. Ni Jon-jon Reyes

AUTHOR PROFILE