Default Thumbnail

Kalagayan ng OFWs sa shelter ng Kuwait, tutugunan ng pamahalaan

January 11, 2023 Edd Reyes 354 views

Edd ReyesHANDANG tumugon ang pamahalaan sa kalunos-lunos na kalagayan ng mga distressed overseas Filipino Workers (OFWs) na kasalukuyang nasa shelter ng Kuwait.

Nakarating na kasi sa kaalaman ng Department of Migrant Workers (DMW) ang problema ng mga OFWs sa shelter ng Kuwait kaya’t naghahanda na raw si Administrator Hans Cacdac ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na tumulak patungo sa naturang bansa upang alamin ang kalagayan ng OFWs..

Humingi kasi ng tulong ang mga distressed OFWs na nasa shelter ng Kuwait kay Atty. David Castillon, ang Founder at Chairman ng Special Alliance of Welfare Officers, Advocates, Recruiters and Migrant Workers Inc.(SWARM) nang magsimulang dumami ang bilang ng mga nagkakasakit.

Ayon kay Atty. Castillon, sunod-sunod ang natanggap nilang tawag mula sa mga distressed OFWs na pawang humihingi ng tulong na mabigyan sila ng pangunahing pangangailangan tulad ng gamot at maayos na tulugan.

Aniya, sa dami ngayon ng bilang ng mga OFWs sa naturang shelter, ang iba ay sa lapag na lamang natutulog at ginagamit bilang unan ang kanilang mga bagahe na hindi akma para sa katulad nila na malaki ang naging papel sa pag-angat ng ekonomiya ng bansa.

Bukod daw kasi sa pagsisiksikan, mainit pa ngayon sa loob ng shelter kaya’t ang ilan ay halos dalawang buwan ng inuubo na dahilan ng hawahan.

Ang problema aniya, araw-araw ay nadadagdagan ang bilang ng mga OFW sa naturang shelter na karamihan ay tumakas sa kanilang employer dahil sa iba’t-ibang kaya’t hindi sila nabibigyan ng exit visa para mapabalik sa bansa.

Asahan ang matinding aksiyon sa pagpapalit ng liderato ng CIDG

HINDI maalis ngayon ang pag-aalala ng mga operator ng mga amusement park sa lalawigan ng Pangasinan sa pagpapalit ng liderato ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) dahil batid nila na posibleng masilip ng bagong pamunuan ang mga isiningit nilang mga mesa ng illegal na sugal na pinagkukuhanan nila ng malaking kita.

Nito lang kasing nakaraang Lunes, naupo bilang bagong CIDG chief si P/BGen. Romeo Caramat, kapalit ni P/BGen. Ronald Lee na umupo naman bilang director ng Directorate for Intelligence kaya nangangamba ang mga operators na matigil ang ilegal na operasyon lalu na’t hindi na kagaya ng dati na lubhang abala ang pamunuan sa pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan sa panahon ng Kapaskuhan.

Ngayong tapos na ang mga mahahalagang okasyon, posibleng mapagtuunan na ng pulisya, partikular ng CIDG at maging nina Regional Director P/BGen. John Chua at Pangasinan Provincial Director P/Col. Jeff Fanged ang reklamo ng mga magulang sa iba’t-ibang bayan ng lalawigan kaugnay sa mga nagaganap na ilegal na sugal sa loob ng mga itinayong mini-carnival.

Patuloy pa rin kasi ang ilegal na operasyon ng magkakamag-anak na sina alyas Budi, Rommel, Feliciano, Rolan , Alvin at Rene sa Urdaneta, Villasis, Umingan, San Jacinto, Mangaldan at Binmaley sa kabila ng kampanya ni Gov. Ramon Guico laban sa bawal na droga at ilegal na sugal.

May mga patago ring mga mesa ng ilegal na sugal sa iba pang amusement center sina alyas Oldak, Maribel, Dolor, Ingineer, Kap Magat, Bebot at Joey sa Highway ng Urdaneta, bayan ng Natividad, Pozorrubio, San Fabian, Aguilar, San Carlos, Mangatarem at bayan ng Mabini kaya sa dami ng mga ilegalistang namumutiktik pa rin sa lalawigan, hindi malayong masilip na sila ng pamunuan ng CIDG.

Sa puna, komento at suhestiyon, mag-text lang sa 0923-347-8363 o mag-email sa [email protected]

AUTHOR PROFILE