LEDAC REPORTING–Binabasa ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang report niya kay President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. bago magsimula ang 4th Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC) meeting sa State Dining Room sa Malacañang Palace noong Martes. Nandoon sa pulong sina Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr., Majority Leader Manuel Jose “Mannix” Dalipe, Deputy Speaker David “Jayjay” Suarez, House Minority Leader Marcelino Libanan, 2nd District Bukidnon Rep. Jonathan Keith Flores, Marikina Rep. Estella Luz Quimbo at Iloilo 5th District Rep. Raul “Boboy” Tupaz. Kuha ni Ver Noveno

Kabuhayan, kalikasan, seguridad sentro ng LEDAC meet

March 19, 2024 Chona Yu 71 views

NAGPATAWAG ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) meeting si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Palasyo ng Malakanyang para talakayin ang ilan sa mga importanteng topic sa bansa.

Ito ang ikaapat na LEDAC meeting ni Pangulong Marcos. Ayon kay Pangulong Marcos, binalikan ng council ang progreso ng LEDAC-Common Legislative Agenda (CLA) na binubuo ng 57 na panukala.

Sa naturang bilang, 14 sa mga ito ang napagtibay na. Saklaw ng 14 na panukalang batas ang pagpapabuti sa kabuhayan, kalikasan at seguridad ng bansa.

Una nang itinakda ang LEDAC meeting noong Enero subalit hindi natuloy. Sa halip na LEDAC, magkahiwalay na pinulong noon ni Pangulong Marcos ang mga senador at mga kongresista.

AUTHOR PROFILE