Default Thumbnail

Kabataan gagamitin sa ‘Protesta’?

May 12, 2022 Lee Ann P. Ducusin 281 views

GINAGAMIT umano ng kampo ni Leni Robredo at mga teroristang NPA ang mga kabataan sa diumano’y ikinakasang mga marahas na pagkilos at protesta laban sa bagong gobyerno.

Ito ang buod ng ulat mula sa intelligence community na nagsabi rin na ang naging hudyat upang isama sa plano nilang panggugulo ang mga kabataan ay ang talumpati ni Leni na humihikayat na lumaban at mag-aklas laban sa mga gobyerno.

Hinikayat ni Robredo ang kanyang mga supporters na samahan siya at makilahok sa patuloy na pakikipaglaban, aniya hindi pa tapos ang laban at nagsisimula pa lang.

“Kaya sinasabi ko sa inyo ngayon walang nasayang, hindi tayo nabigo, pinakamahalaga hindi pa tayo tapos nagsisimula pa lang tayo, may landas na nagbukas at hindi ito magsasara kasabay ng mga presinto, may kilusang isinilang at hindi ito papanaw sa pagtatapos ng bilangan,”sabi ni Robredo.

“Wala akong planong abandunahin ang mga plano na habang buhay ko nang ipinaglalaban, tinatawag ko kayo na samahan ako dito at sa iba pang mga laban… May panahon tayong labanan at baklasin ito,” dagdag ni Robredo.

Dahil sa panawagang ito ni Leni ay naglunsad agad ng kilos-protesta ang ilang grupo ng kabataan sa harapan ng Comelec noong Martes upang guluhin at harangin ang pagkapanalo ni Marcos at katandem niya na si Inday Sara Duterte.

Sa nasabing protesta namataan ang anak ng isang celebrity na nangunguna sa pagkilos at pagpapahayag na hindi nila matatanggap ang naging resulta ng halalan.

May mga kabataan namang nakikipag-away sa kanilang mga magulang upang pilitin na sumama sa kilusan, ang iba ay nanakot at nagpaplanong hindi magpapatuloy ng kanilang pag-aaral.

Umiiral din sa paaralan ang pambu-bully ng ilang mga kabataan sa mga estudyante na pabor sa nangyaring botohan.

Kinumpirma naman ng PNP na nagkaroon pa ng kilos protesta sa Naga City na balwarte ni Robredo at sa ilan pang mga lugar.

May impormasyon din na nagpatunay na ang mga kilusang isinasagawa ay may layuning patalsikin sa kapangyarihan ang pamahalaang Duterte at pigilan ang pag-upo ni Marcos bilang susunod na pangulo. Ni LEE ANN P. DUCUSIN

AUTHOR PROFILE