Jane

Joshua at Zaijian, pasok sa ‘Darna’

October 7, 2021 Ian F. Fariñas 454 views

Makakasama ni Jane de Leon ang award-winning young actors na sina Joshua Garcia at Zaijian Jaranilla sa Darna: The TV Series ng ABS-CBN na ididirek ni Chito S. Roño.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagkaroon ng live cast reveal na ginawa pa sa ABS-CBN Soundstage sa San Jose del Monte, Bulacan na sinundan ng story conference para sa bagong TV adaptation na magsisimula nang mag-taping sa susunod na buwan.

Si Zaijian ang magbibigay-buhay sa papel ni Ding, ang nakababatang kapatid at sidekick ni Darna/Narda (Jane).

Si Joshua naman, na gaganap bilang pulis at EMT na si Brian, ang magiging love interest ni Narda.

Katulad ng naunang inanunsyo, si Iza Calzado (Leonor) ang ina ni Narda na gaganap na unang Darna at magpapasa ng bato sa bagong Pinay superhero.

Kasama rin sa cast sina Rio Locsin, Simon Ibarra, Levi Ignacio, Richard Quan at Kiko Estrada. Pasok din sina Joj Agpangan, Zeppi Borromeo, Mark Manicad, Marvin Yap, Dawn Chang, Tart Carlos, L.A. Santos, Yogo Singh, Young JV at Gerard Acao.

Samantala, hindi pa pinangalanan ang gaganap na Valentina na magsisilbing kontrabida ni Darna.

Hango ang inaabangang TV adaptation sa minahal na karakter na binuo ni Mars Ravelo, na ang nalalapit na ika-115 birth anniversary ay nakatakdang gunitain bukas, Oktubre 9.

Ang JRB Creative Production ng ABS-CBN ang magpoprodyus ng serye.

AUTHOR PROFILE