Jomari

Jomari, Abby engaged na

August 22, 2023 Aster Amoyo 492 views

Jomari1UMALIS last Saturday, August 19 patungong Hong Kong ang magkasintahang Jomari Yllana at Abby Viduya to celebrate the actor-politician and sportsman’s belated birthday.

Jomari turned 47 last August 16.

Sa halip na i-celebrate ang kaarawan ni Jomari, si Abby ang sinorpresa ng actor-politician with a marriage proposal na nangyari nung Linggo, August 20, 10 a.m. sa The Peak ng Hong Kong.

Naiyak si Abby considering na halos apat na taon na silang nagkabalikan ni Jomari at nagsasama sa iisang bubong at hindi na umano niya inasahan na may mangyayari pang proposal.

“I was crying the whole time kasi sobra akong nagulat,” kuwento ni Abby.

“Pinag-uusapan na kasi namin ang wedding plans kaya I thought wala nang proposal na mangyayari kaya sobra akong na-sorpresa,” pagbabahagi pa niya.

The engaged couple is getting married in civil wedding rites in Las Vegas, Nevada this November via drive thru (tulad ng ginawang pagpapakasal nina J-Lo at Ben Affleck) na susundan ng kanilang church wedding na gaganapin sa hometown ni Jomari in Naga City in Bicol early next year.

Inaasahan din ang pagdalo ng pamilya ni Abby in Canada including her three children.

They were each other’s first love and both were 16 years old nang sila’y maging magkasintahan na nangyari rin sa Hong Kong in the middle of their promo for the movie “Guwapings: The Adventure” na launching movie nina Mark Anthony Fernandez, Eric Fructuoso at Jomari with Abby as their sole leading-lady. And that was 31 years ago. Palibhasa’y mga bata pa at iba ang direksyon ng kanilang respective career, nagkahiwalay ang dalawa at tumagal lamang in less than a year ang kanilang relasyon. Thirty years later ay muling nag-reconnect ang dalawa matapos nilang dumaan sa iba’t ibang pagsubok sa kanilang mga buhay. Pareho rin silang may tig-tatlong anak sa kanilang mga respective ex-partners.

Pelikula nina Bela at JC, magugustuhan ng manonood

BelaBela1Bela2NATUWA kami na aktibong muli ang mahusay na writer na si Enrico Santos sa pagsusulat ng script na pansamantala niyang isinantabi nang siya’y maging abala bilang isa sa executives ng ABS-CBN.

Si Enrico ang sumulat ng “Wish You Were The One” na dinirek ni Derick Cabrido at tinampukan ng balik-tambalan nina Bela Padilla at JC Santos kasama sina Kean Cipriano, Franki Russel, Kaladkaren, Romnick Sarmenta, Andrew Muchlach at Andrea Babierra na matutunghayan sa mga sinehan simula ngayong August 23. Ito’y joint production ng Viva Films, Manila Envelope and Studio Viva in cooperation with Clever Minds, Inc.

At the press preview of the movie na ginanap sa Viva Café in Araneta City last Monday, marami ang naiyak at pumalakpak sa kakaibang kuwento ng movie at mahusay na pagkakadirek niDirek Derick.

Kung naibigan ng mga manonood ang mga naunang tambalan nina Bela at JC tulad ng “100 Tula Para Kay Estela” at “The Day After Valentine’s” na parehong sinulat at pinamahalaan ni Jason Paul Laxamana, ang “On Vodka, Beers and Regrets” ni Irene Villamor, tiyak na magugustuhan din nila itong “Wish You Were The One.”

Napaka-natural nina Bela at JC umarte kitang-kita sa dalawa ang kakaibang chemistry na na-master na nila in their previous team-ups.

Bela is back in London kung saan na siya naka-base kaya sa pamamagitan ng zoom which was beamed on screen siya nakapagpalamat sa lahat ng dumalo sa press preview pero present ang ibang bumubuo ng cast sa pangunguna ni JC at ni Direk Derick.

Sana ma-translate sa box office ang warm reception ng mga nakapanood sa press preview ng “Wish You Were The One” tulad ng mga naunang tambalan sa pelikula nina Bela at JC na pumalo sa takilya.

Freddie kuntento na sa buhay, masaya na para sa mga anak

FreddieFreddie1WHEN we had the opportunity na makapanayam ang basketball icon, actor-comedian, host, dating politician, toy collector and businessman na si Freddie Webb sa aming online show na “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel, ikinuwento nito na late bloomer umano siya sa pangungulekta ng mga expensive toys na kanyang sinimulan sa Star Wars characters na hanggang ngayon ay naka-display pa rin sa kanilang tahanan in Paranaque City. Kahit ang kanyang 12 apo ay hindi umano ginagalaw ang kanyang mga collection.

“They only look at them pero bawal galawin at paglaruan,” ani Freddie na nagmarka rin bilang isang natural comedian nang siya’y makapareha ng actress-comedienne na si Nova Villa sa hit sitcom noon ng IBC-13, ang “Chicks to Chicks” na tumagal sa ere ng 12 years at labas pa rito ang spin-off sitcom ng ABS-CBN na “Chika Chika Chicks” na silang dalawa rin ang pangunahingbida.

Nasa peak si Freddie ng kanyang basketball career nang kanyang pasukin ang showbiz at nagustuhan umano niya ito.

Naging family by-word ang tambalan nila ni Nova as a TV couple bilang sina Jimmy at Ines Capistrano. In real life, naging `best of friends’ ang dalawa.

“Napakasarap katrabaho ni Nova,” pahayag ni Freddie.

“Unknown to many, bukod sa napakahusay niya bilang actress, she is a good person in and out at marami siyang tinutulungan,” kuwento pa ni Freddie.

May pagkakataon bang pinag-selosan si Nova ng kanyang wife na si Elizabeth?

“Never. In the same manner na hindi rin ako pinagselosan ng husband ni Nova,” ani Freddie.

Nang nawala sa ere ang kanilang sitcom, naging busy na rin sila pareho ni Nova sa kanilang separate careers.

Freddie was in college at the Colegio de Letran when he started playing for the Letran Knights. After college ay naglaro siya for Yco Painters sa loob ng sampung taon (1965-1975) and started playing for PBA nung 1977 to 1978 under Tanduay Rhum Makers team.

Naging bahagi rin si Freddie ng national basketball team ng Pilipinas in 1972 na nag-participate sa 1972 Summer Olympics.

After retiring from basketball, he became the basketball coach ng Letran Knights for one season, sa Yco Painters maging ng Shell team.

Taong 1971 naman nang pasukin niya ang pulitika na kanyang sinimulan as councilor ng Pasay City na tumagal until 1978.

In 1987, he ran for Congress sa lone district pa noon ng Paranaque ang won and in 1992 ay tumakbo siya bilang senador for one term.

Sa kabila ng kanyang retirement from basketball and politics, bukas pa rin si Freddie sa kanyang showbiz career while he is also busy bilang isang negosyante.

Freddie’s family owns five branches ng kilalang Basement salon na matatagpuan in SM Aura, EDSA Shangri-La, Rockwell at iba pa. Meron din silang restaurant in Podium na pinangangasiwaan ng isa sa kanyang mga anak na si Jason Webb, ang nobyo ng actress nasi Mylene Dizon.

Ang pagiging matatag bilang isang padre de familia ni Freddie nang dumating ang pinakamatinding `unos’ sa kanilang pamilya, ang pagkakadawit at pagkakakulong ng isa sa kanyang anim na anak na si Hubert sa loob ng 15 years and four months na may kinalamansa celebrated case na Vizconde Massacre in 1991. But on December 14, 2010, ten days before Christmas ay pinawalang-sala si Hubert and the family was able to celebrate their Christmas holidays together.

“Sa loob ng fifteen years, we celebrated Christmas and New Year with Hubert sa kulungan,” pagbabalik-tanaw ni Freddie.

“Hindi namin makuhang mag-celebrate ng Christmas sa bahay dahil wala si Hubert dahil hindi kami kumpleto. Kaya kami na ang pumupunta sa kanya at salu-salo kaming nagsi-celebrate with him sa kulungan,” malungkot na pagbabalik-tanaw ni Freddie.

“That was my biggest heartbreak as a father,” pag-amin pa niya.

As much as possible ay ayaw nang alalahanin pa ni Freddie ang masakit at madilim na bahagi ng kanilang buhay bilang isang pamilya, ang nangyari noon kay Hubert.

“They only bring sad memories,” aniya.

“I’m now happy for my children. Hubert is now married and has his own family,” aniya.

“Si Pinky na lang ang walang asawa but she has a boyfriend and enjoying her work as a TV personality,” dugtong pa ni Freddie who’s paternal grandfather was from England.

SUBSCRIBE, lke, SHARE “TicTAlK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE