JLC

John Lloyd at girlfriend na si Isabel madalas makita in public

March 14, 2023 Aster Amoyo 545 views

BUKOD sa kanilang common interests in the arts, ang rumored sweethearts na sina John Lloyd Cruz at Isabel Santos ay parehong fur parents to Noah and Benny.

Si John Lloyd ay isang award-winning actor habang si Isabel naman ay isa ring award-winning artist and granddaughter ng legendary cartoonist na si Malang Santos. Their common love for the arts ang siyang nag-connect sa kanilang dalawa.

Kamakailan lamang ay nagtungo ang magkasintahan sa Strays Worth Saving (SWS) dog and cat shelter (in Tanauan, Batangas) ng mga nire-rescue dahil ang mga ito’ypinabayaan na ng dating owners. These animals are treated, fed and cleaned-up and ready for permanent adoption after proper screening.

Sina John Lloyd at Isabel ay nag-adopt ng rescued dog dahil gusto rin nilang makatulong.

Samantala, low-key lamang ang relasyon ng dalawa pero madalas na rin silang makitang magkasama sa iba’t ibang okasyon including their trips abroad.

KathNiel at mga kasama enjoy sa concert sa Spain, Italy at iba pa

KathnielSOBRANG enjoy ang magkasintahang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla kasama ang dalawa sa kanilang mga kabarkada na sina Zanjoe Marudo at Joshua Garcia together with singer-comedian and host na si Eric Nicolas sa kanilang “G! Kapamilya Concert” in Barcelona, Spain; Milan, Italy at Abu Dhabi.

Kakakaiba ang kanilang pakiramdam dahil sa mainit na pagtanggap sa kanila ng mga fans na nagmula pa sa iba’t ibang bahagi ng Spain at ibang parte ng Europe na ang iba sa kanila ay mula pa ng Netherlands, Germany, Norway, Luxembourg at France.

Ang unang leg ng concert tour ay ginanap sa Aribau Multicine in Barcelona, Spain nung March 11 (Saturday) na sinundan in Milan na ginanap sa Space Odeon nung nakaraang Linggo, March 12. Ang kanilang last stop ay Abu Dhabi na gaganapin naman sa National Theatre on March 18, araw ng Sabado. In between ay may pagkakataon silang makapamasyal dahil may limang araw silang free days before their last show sa Abu Dhabi.

Christian at Kat nagdiwang ng 4th anniversary

ChristianLAST January 17, couple Christian Bautista and Kat Ramnani-Bautista celebrated their 4th anniversary bilang mag-asawa. Pero up to this day ay hindi pa rin sila nabibiyaan ng anak.

Ang ex-girlfriend ni Christian na kapwa niya singing champ na si Rachelle Ann Go-Spies ay magda-dalawa na ang anak sa kanyang American husband nasi Martin Spies.

Wala pa ring anak ang mag-asawang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli na nag-celebrate naman ng kanilang 3rd wedding anniversary last February 20 sa Amerika.

Naniniwala ang mag-asawang Christian at Kat na mabibiyaan din sila ng anak in God’s perfect time.

Samantala, sa magkakaibigang singing champs na sina Sarah, Rachelle Ann, Erik Santos, Christian and Mark Bautista, sina Erik at Mark na lamang ang hindi pa nag-aasawa.

‘Apag’ inaasahang hahakot ng awards

ApagISA sa walong official entries sa kauna-unahang Metro Manila Summer Film Festival na gaganapin simula April 8 to 18 ang pelikulang “Apag,” Kapampangan term for feast na pinamahalaan ng premyadong director na si Brillante Mendoza at tinatampukan nina Coco Martin, Jaclyn Jose at Lito Lapid kasama sina Gladys Reyes, Mercedes Cabral, Julio Diaz at iba pa.

Ngayon pa lamang ay marami na ang humuhula na ang nasabing pelikula ay isa sa hahakot ng awards sa Gabi ng Parangal na ganapin sa New Frontier Theater on April 11.

Rafa pinakasalan na si Yanah

RafaTHEATER, TV and movie actor Rafa Siguion-Reyna has recently married his long-time girlfriend, Margarita Angela `Yanah’ Laurel, who is also a theater actress veteran and younger sister of singer-actor, Franco Laurel

Si Rafa na nagtapos ng pag-aaralsa New York University ay bunso sa dalawang anak ng celebrity couple, ang award-winning director na si Carlos Siguion Reyna at ang actress-comedienne at screenwriter na si BibethOrteza.

Siya’y apo ng namayapang veteran singer-actress at movie producer na si Armida Siguion-Reyna at pinsan naman niya ang singer-actress na si CrisVillonco.

Estudyante pa sa New York si Rafa ay naroon na ang hilig nito sa larangan ng pag-arte kaya as soon as he graduated from college ay agad nitong pinasok ang theater maging ang telebisyon at pelikula.

Baby Peanut ipinasyal nina Luis at Jessy sa Batangas

VilmaJessyHININTAY lamang ng mag-asawang Luis Manzano at Jessy Mendiola na mag-two-month old ang daughter bilang si Isabella Rose or Baby Peanut bago nila ito isinama ng mag-asawa sa isang out-of-town trip in Batangas, ang probinsyang pinaglingkuran ni momshie (not Lola) Vilma Santos ng siyam na taon o tatlong termino bilang gobernadora.

Ang mag-asawang Vi at Rep. Ralph Recto ay may bahay in Lipa, Batangas kung saan din nanungkulan bilang mayor ang award-winning actress at politician sa loob ng siyam na taon.

Dinala ng mag-asawang Luis at Jessy si Baby Peanut sa Vineyard in Tanauan, Batangas recently.

Although hindi pa naa-appreciate ng bata ang kanyang first out of town trip, nag-enjoy naman ang kanyang celebrity parents na kasama siya.

SUBSCRIBE, like, SHARE and click the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@aster_amoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE