Jodi

Jodi ini-enjoy ang second chance

October 27, 2023 Aster Amoyo 191 views

AYON kay Jodi Sta. Maria, matiyaga siyang naghintay para sa kanyang “re-establishment” mula nang bumalik siya sa showbiz noong 2006.

Sabi ni Jodi, na isang single mom, kailangang magtiis siya para sa kanyang anak.

Binalikan ni Jodi ang pagsisimula ng kaniyang showbiz career nang i-launch siya sa isang variety show noong 1998.

“Masaya na ako na nakita ako sa TV. Kasi ‘di ba kapag bata ka, ‘yun lang naman ang gusto mo, makita ka sa TV, makita ka ng mga kaklase mo, makita ka ng mga kapitbahay. ‘Yun lang talaga ang goal. Pero habang tumatagal siguro mas lumalaki ‘yung pangarap,” sabi ni Jodi.

Nangarap si Jodi na bumida sa isang regular show at pelikula at makatrabaho ang mga kilalang direktor. Pag-alala niya, taong 2005 noong bini-build up na siya para maging isang leading lady.

“But then during that time, I chose love. So nagba-bye po ako sa Pilipinas at nagpakasal po ako sa Amerika,” sabi ni Jodi.

Pag-akala ni Jodi, mababalikan pa niya ang mga proyektong kanyang naiwan noong umalis siya.

“A year later bumalik po ako ng Philippines, and then I told one of the (powers that be) na, ‘Puwede ko bang mabalikan kung ano ‘yung mga proyekto na nakalaan na naiwanan ko?’ And then I remembered this person telling me, ‘Jodi it doesn’t work that way. You have to re-establish yourself.’”

Kaya naman kinailangan niyang maghintay para sa kanyang break mula 2006 hanggang 2012.

“I’d say na masaya po ako kasi may work. But then I was also waiting kung kailan darating ‘yung time ko, gaano ba katagal ‘yung re-establishing ng sarili?”

Sa panahon ng kaniyang paghihintay, hindi naisip ni Jodi na sumuko para sa anak.

“Wala po akong choice kundi magpatuloy. Because during that time, single mother po ako. I need it to survive. Kailangan po para sa amin ng anak ko.”

At nagkaroon ng bunga ang kanyang paghihintay. Hanggang ngayon, tinatamasa niya ang pangalawang pagkakataon sa tagumpay.

Bea gustong itago ang engagement kay Dominic

BeadomINAMIN ni Bea Alonzo na wala talaga silang plano ng kanyang fiancé na si Dominic Roque na isapubliko kaagad ang kanilang engagement. Ngunit dahil kumalat na sa social media ang kanilang mga larawan, inanunsyo na rin nila ito.

“Sa totoo lang dapat hindi talaga namin muna ia-announce. We wanted to savor it na kami muna, na kahit one month na kami lang ang nakakaalam. We wanted to keep it a secret na may kinakikiligan kami na kaming dalawa lang.

“But then may nag-leak kasi na photos from the venue. And so we had to release the pictures, we had to announce right away. Kasi parang unfair naman kung sa ibang tao manggagaling ang announcement, so naunahan na namin,” sey ni Bea.

Ikinatuwa naman ni Bea na marami ang mga tao na nakisama sa kanilang kasiyahan sa nangyaring engagement nang dumalo sila ni Dominic sa GMA Gala Night.

Rod Stewart magkakaroon ng concert sa Pilipinas

RodDARATING sa Pilipinas sa 2024 ang American rock legend na si Rod Stewart.

Dadalhin ni Rod sa Manila ang kanyang “Live in Concert, One Last Time” show na gaganapin sa Mall of Asia Arena sa March 13, 2024.

Ayon sa Live Nation Philippines, magkakaroon ng fanclub presale sa November 15 sa ganap na 10 a.m. Habang ang Live Nation presale naman ay mangyayari sa November 16 sa ganap na 10 a.m.

Ang general sale ay sa November 17 sa ganap na 12 p.m.

Bukod sa Pilipinas, kasama sa Asia concert tour ni Rod ang Japan, Malaysia, Thailand, Hong Kong, Singapore, at Taiwan.

Noong 2004, nakamit ni Rod ang Grammy Award for Best Traditional Pop Vocal Album para sa “Stardust: The Great American Songbook, Volume III.”

Kabilang sa hit songs niya ang “Maggie May,” “Do Ya Think I’m Sexy?” “All for Love,” “Sailing,” at “Have I Told You Lately.”

AUTHOR PROFILE