luis and jessy

Jessy, naospital sa kimchi at salad

August 21, 2022 Vinia Vivar 282 views

Ni-reveal ng mag-asawang Luis Manzano at Jessy Mendiola na nalason pala sa pagkain ang aktres noong ika-6th week ng kanyang pregnancy.

“Ay grabe ang takot namin no’n,” kwento ni Luis sa vlog ni Jessy Mendiola na Our Pregnancy Journey: The Beginning.

“Kasi, kumbaga, sa isang 24 hours, more than 50 times na siguro siya nag…(suka).”

Sey naman ni Jessy, hindi niya naisip na sensitive pala ang tiyan kapag buntis at kailangang maging maingat sa mga kinakain.

Ang culprit ng food poisoning ay ang Korean food na kimchi.

Suspect din daw nila ang salad na kinain niya na baka hindi nahugasan nang maayos.

Sa tindi ng food poison ay isinugod na si Jessy ni Luis sa ospital.

“Grabe ‘yun, the whole day akong balik-balik ng bathroom, tapos umiiyak na ako. Tapos, nagka-lagnat na ako nu’ng hapon na, dinala na niya ako sa hospital,” pagbabahagi ni Jessy.

Kinailangang i-dextrose siya para bumalik ang tubig na nawala sa kanyang katawan.

Ayon naman kay Luis, sobrang natakot siya dahil ngayon lang siya nakakita ng ganu’n karaming beses magbanyo ng isang tao.

Labis siyang nag-aalala para sa asawa at sa magiging baby nila.

Mabuti na lang at sixth week pa lang ang baby at hindi pa masyadong buo kaya may protection pa ito because of the sac.

Kwento pa ni Jessy, sa ilang araw lang ay nag-lose siya ng five lbs.

“Pero we got through it kasi talagang inalagaan tayo ni God,” sey ni Jessy.

AUTHOR PROFILE