Jennica

Jennica ready na ba’ng bumida sa sariling teleserye?

October 16, 2023 Joey Aquino 270 views

JENNICA Garcia gets a shot in the arm for her showbiz career.

Kaliwa’t kanan ngayon ang projects niya sa Kapamilya network. Naging markado ang performance niya sa ‘Dirty Linen’. Kaya hindi kataka-taka na naging sunud-sunod ang projects niya. After the said primetime teleserye, the young actress is in the cast of the digital series, ‘Fractured’ topbilled by Francine Diaz and Seth Fedelin . She deserves whatever she is receiving now. Lalo na’t dumaan siya ilang pagsubok sa buhay. Nauwi sa hiwalayan ang pagsasama nila ng kanyang asawa na si Alwyn Uytingco. At nawalan ng project; dahilan kung bakit muntik na niyang talikuran ang showbiz.

But she really belongs to showbiz. And Jennica is so grateful to ABS-CBN for giving her another chance. Acting runs in her blood. Her mom is multi-awarded actress Jean Garcia and her dad is former actor Jigo Garcia.

Pero kahit exposed at lumaki sa showbiz, hindi siya nilamon ng sistema nito. Totoong-totoo at natural ang aktres. Napanood namin siya noon sa isang episode ng ‘Magandang Buhay’ kung saan ipinakita niya sa lahat ang pagiging totoo niya. Kahit nagkaroon ng anxiety at depression, positibo pa rin ang pananaw niya sa buhay. Sobrang focused sa pagpapalaki sa kanyang dalawang anak. Ito ang isa na nakabibilib sa aktres.

Bukod sa acting projects, sumabak na rin siya sa paghu-host. Co-host siya ni Melai Cantiveros sa game show na ‘Ur Da Boss’ on Pie Channel. Sa ilang beses naming panonood sa show, nakita namin na mahusay siyang mag-host at sumasabay sa energy ni Melai.

Kaya siguro isa siya sa napili na maging main host sa ‘Your Lucky Day, ang programa na pansamantalang ipinalit sa ‘It’s Showtime’ na palabas mula October 14 to October 27. Matatandaan na hindi na umapela ang ABS-CBN sa 12-day suspension na ipinataw ng Movie Television Rating and Classification Board (MTRCB).

ABS-CBN seems to be all eyes on Jennica now. Will Jennica be the network’s next primetime bida actress? Just asking…

Disclaimer:

Sa diwa ng malayang pamamahayag, malaya rin ang sino man para sa anumang paglilinaw o karagdagang komento at reaksyon. Mangyaring makipag-ugnayan lamang sa Just Asking thru 0905- 558-4811 or email us at [email protected]

AUTHOR PROFILE