Default Thumbnail

Ibalik ang sigla sa Bgy. Villamor

October 16, 2023 Marlon Purification 651 views

Marlon PurificationNAKAKITA ng bagong pag-asa ngayon ang may 38,000 residente ng Barangay 183, Zone 20 sa Villamor, Pasay City.

Ito’y dahil sa pagsabak sa pulitika ni Coach Alvin Zuniga na tumatakbo bilang kapitan sa kanilang barangay.

Born and raised si Coach Alvin sa Bgy. 183. Ika ‘nga, lehitimo at taal na Batang Villamor ang idol ng mga basketball fanatics sa lungsod.

Si Coach Alvin ay kilala sa Philippine Air Force (PAF) dahil isa sa siya sa naging pinakamagaling na playing coach ng PAF Basketball Team.

Isa siyang Team Captain na naging dahilan upang apat na ulit nag-champion ang AFP Basketball Team sa paliga ng UNTV.

Katunayan, si Coach Alvin ang napili bilang 2016 Fans Choice Award sa UNTV Basketball Cup kung saan ay bahagi rin siya sa 2015 Mythical Team.

Naging head coach ng Pamantasan ng Lungsod ng Pasay Basketball Team at Philippine Air Force College of Aeronautics. Naging pinuno ng Don Bosco Makati Basketball Development at founder ng Villamor Athletic Club.

Dati rin siyang professor at sports director sa Pamantasan ng Lungsod ng Pasay

Bago nagtapos sa kolehiyo bilang BSBA Major in Marketing sa University of the East, isa si Coach Alvin sa hinangaan bilang miyembro ng UE Varsity Team na sumabak sa UAAP.

Naging manlalaro ng Red Bull/ Magnolia Instafood/ Oriental Battery sa PBL at hinugot upang maglaro są Davao Eagles sa Metropolitan Basketball Association (MBA) at naging adviser din ng Villamor Football Club.

Bago nagretiro ay 22 taon nagsilbi sa bayan si Coach Alvin bilang miyembro ng PAF na nakamit ang ranggong Staff Sergeant.

Maayos ang Pamilya Zuniga.

Ang ama nitong si MSgt Tony ay isa ring retiradong sundalo at ang nanay niyang si Aling Corazon ay isa namang community leader.

Ang mga kapatid niyang sina Arnold at Buboy ay dati ring nasa serbisyo sa PAF. May kapatid siyang military nurse sa Abu Dhabi sa UAE na si Arthur, dating kagawad ang kapatid na si Albert na isa nang Civil Engineer ngayon at ang bunsong si Andrew ay isa namang Electrical Engineer.

Ang maganda at mabait na maybahay ni Coach Alvin na si Ma’am Eleanor ay isang successful businesswoman bilang may-ari ng restaurant, caterer at resort owner.

Ang anak na si Grant Mitchell B. Zuniga na graudate HRIM sa College of St. Benilde at may Masters in Culinary Arts sa Italy School of Culinary Arts ay isa ring restaurant owner. Habang ang anak na babae na si Grant Mayrielle ay nagtapos ng Cum Laude sa kursong BS Accountancy mula sa Mapua Institute Makati at nasa senior high naman ang bunsong si Grant Alvin sa Asia Pacific College.

Malaking bagay ang mga ganitong uri ng ‘credentials’ sa mga tumatakbo para pamunuan ang ating barangay.

Lalo na sa punto ng sports dahil ito ang humuhubog sa ating kabataan upang maging masigla, hindi lamang ang pangangatawan kundi ang isipan.

Maraming beses na ring napatunayan na sa pamamagitan ng sports ay nailalayo sa masamang bisyo ang ating mga kabataan.

Ang isang matatag at masaganang pamilya ay sumasalamin naman ng pagkatao ng isang kandidato.

Kung matino ang pamilyang pinagmulan at pamilyang kinapapalooban,

Aanhin mo ang isang kandidatong sariling pamilya ay hindi maitaguyod ng maayos, tapos mangangarap pang magsilbi kunwari ng matino sa bayan.

Hindi na rin matutukso upang magnakaw sa kabang yaman ng barangay ang isang katulad ni Coach Alvin dahil maayos na ang lagay ng kanyang pamilya.

Ang malinis na pangalang inalagaan sa PAF sa loob ng 22 taong serbisyo ay nasisiguro kong hindi niya sisirain.

Naniniwala ako na hindi mapapako ang inilalatag na plataporma de gobyerno ni Coach Alvin, lalo na ang ‘tranparency’ są P81 million budget ng barangay. Asahang makakamit ang ang pagpapatupad ng kaayusan, kalinisan at peace and order sa Bgy. 183.

Magiging maayos ang ‘drainage system’ at sisikaping maiwasan ang baha tuwing tag-ulan na napabayaan sa mga nakalipas na taon.

Nakatitiyak ang mga taga-Bgy. 183 ng patas o pantay at makataong social services sa mga kababaihan, senior citizens, kabataan at mahihirap na kabarangay.

At dahil isang kilalang athlete si Coach Alvin, asang na higit na mapag-iibayo ang kapakanan sa edukasyon at pangkalusugan ng ating kabataan.

Tiyak na gaganda ang kapaligiran, magiging maayos ang mga palaruan at magagamit ninuman ang mga kagamitang pambarangay mula opisina, gym hanggang ambulansiya.

Ang ayuda at iba pang regalo para sa mga taga-Bgy. 183 ay nasisiguro na ngayong mapapasakamay sa lahat.

Marami pang magagandang plano si Coach Alvin para są kanyang barangay kaya ngayong kumakatok siya sa mga kapitbahay upang bigyan ng pagkakataon na sila’y mapagsilbihan,

Sa mga nagtatanong kung bakit ganito ko ibinibida si Coach Alvin.

Fraternity brother ko po si Coach Alvin mula sa Scout’s Royale Brotherhood at alam kong isang matinong tao siya na nakahandang tumulong anumang oras sa mga taong nangangailangan.

Naniniwala ako na sa pamamagitan ng inihahaing programa ni Coach Alvin, maibabalik ang sigla sa Bgy. 183.

Deserve po ng Bgy. 183 ang makaroon ng matinong barangay na puwede na tawagin sa mga susunod na araw o buwan, bilang Bagong Villamor.

Good luck Brod Alvin and God bless po sa lahat ng taga-Bgy. 183 sa Villamor, Pasay City.