JC de vera

JC muling pinakasalan ang misis

September 22, 2021 Aster Amoyo 777 views

JCKAPAMILYA actor JC de Vera wed his wife Rikkah Alyssa Cruz for the second time, this time sa isang church wedding na ginanap sa Tagaytay over the weekend. Ito ang second wedding ceremony ng couple after their civil wedding rites nung 2018 bago isinilang ang kanyang more than three year-old daughter na si Lana Athena na isinilang nung April 2018.

The church wedding could have happened much earlier pero dahil sa pandemya ay naurong ito at eventually natuloy kamakailan lamang.

Si Rikkah ay dating schoolmate ni JC.

Samantala, si JC ay kasalukuyang napapanood sa primetime TV series ng ABS-CBN, ang “La Vida Lena” na tinatampukan din nina Erich Gonzales at Carlo Aquino, among others.

Pia MoranPia Moran nasaan na?

NASAAN na ang dating sikat na dancer-actress at tinaguriang “Miss Body Language” nung dekada otsenta na si Pia Moran?

Dahil sa pandemic, jobless ngayon si Pia na umaasang mabibigyan siya ng trabaho either sa TV o sa pelikula dahil hindi umano siya makabiyahe. Nanawagan pa ito sa actor-director na si Coco Martin na sana’y mapasama umano siya sa long-running action drama series nitong “FPJ’s Ang Probinsyano” tulad ng maraming artista na hindi na gaanong aktibo sa showbiz na natutulungan at nabibigyan ng pagkakataon ng actor.

“Sana makapag-guest din ako sa “Ang Probinsyano,” asam ng 59 years old na si Pia.

Si Pia ay panganay sa walong magkakapatid. Nasa showbiz na siya nang sumakabilang-buhay ang kanilang ama kaya bilang eldest, siya na ang umako sa responsibilidad na iniwan ng ama.

Sixteen years old pa noon si Pia ay sumasayaw na siya sa iba’t ibang club hanggang mapasok siya sa showbiz nung 1979. Petite ang pangangatawan ni Pia and was a graceful dancer . Taong 1980 nang sumikat ang dance song na “Body Language” ni Blake Shelton na tumatak din kay Pia dahil ito ang kanyang naging paboritong interpretative dance music. Sa kalaunan ay tinagurian siyang “Miss Body Language” at naging in-demand ang kanyang guestings noon sa telebisyon tulad ng “Seeing Stars with Joe Quirino,” ‘Superstar,” “Student Canteen,” “Discorama,” “Big Ike’s Happening” at iba pang live TV programs in the 80’s.

Dahil sa pagiging in-demand dancer ni Pia, naging sunud-sunod din ang pagiging leading-lady niya sa mga pelikula noon nina Ramon Revilla, Sr., Rudy Fernandez, Dolplhy, Chiquito, Redford White at iba pa. Nakatrabaho din siya noon ang singer-comedian an di Dyords Javier sa pelikulang ‘A Man Called Tolongges,” si Redford White sa “Bonnie en Klayd,” sina Berting Labra at Weng-Weng sa “The Cute, The Sexy and The Tiny,” si Palito sa “Rambuto” at marami pang iba. Nakagawa rin siya ng ilang TV series tulad ng “Ikaw ang Lahat sa Akin,” “Mga Anghel Na Walang Langit,” “You Got me,” “Love Spell” at “Ysabella”. Last two movies naman niya ang “Girl, Boy, Bakla , Tomboy” at “Jim Fernandez’ Galema: Anak ni Zuma” both in 2013.

Nung kainitan ni Pia in the `80’s ay nakapagpatayo siya ng resto-bar sa may P.Tuazon in Quezon City at nagpapadala rin siya noon ng mga talents sa Japan. Nahinto lamang ito nang magkahigpitan ng mga Filipino entertainers sa Japan nung 2003 onwards na naging malaking epekto sa katulad niya at iba pang mga promoter or agencies na nagpapadala ng mga Filipino talents sa nasabing lugar.

Although nagpabalik-balik ng Japan si Pia, sumubok din siya sa Middle East kung saan siya namalagi sa loob ng dalawang taon.

At the peak of her career, si Pia ay na-link noon sa sexy actor na si Greggy Liwag at tumagal ang kanilang relasyon ng tatlong taon. Pero hindi si Pia ang nakatuluyan ng actor kundi ang 1983 Bb. Pilipinas-Universe na si Cita Capuyon.

Nang makalabas ng kulungan ng dating action star na si Eddie Fernandez, si Pia ang unang showbiz girlfriend nito pero hindi tumagal ang kanilang relasyon dahil involved na rin noon ang actor sa drugs na tinalikuran na rin ng dancer-actress. Ipinagtapat sa amin ni Pia na nag-drugs din umano siya noon at sumailalim ng rehab sa loob ng anim na buwan. Pero nung sila na si Eddie ay hinto na umano siya noon kaya nang malaman niyang nagda-drugs ito ay siya na umano ang kumalas. Wala na sila ng actor nang ito’y mapatay na may kinalaman sa drug operation.

Hindi nagkaroon ng sariling pamilya at anak si Pia kaya buhos ang kanyang attention sa kanyang mga pamangkin sa pito niyang nakababatang kapatid.

Ang isang ipinagmamalaki ni Pia kahit hanggang second year high school lamang ang kanyang naabot at hindi nakapag-tapos ng pag-aaral, may isa siyang napagtapos na kapatid na isa na ngayong doctor, ang kanyang bunsong kapatid.

“Hindi rin nagtapos ang iba kong mga kapatid pero yung bunso namin ang pursigido sa kanyang pag-aaral,” kuwento pa ni Pia.

Kahit may sariling bahay si Pia sa Fairview, madalas ay umiikot umano siya sa kanyang mga kapatid dahil sila ang kanyang pamilya.

“Ako ang panganay pero kung tratuhin ako ng mga kapatid ko parang ako ang bunso,” natutuwa niyang pahayag.

“Since marami naman akong mga pamangkin sa mga kapatid ko, feeling ko marami na rin akong mga anak,” aniya.

GeraldGerald may ginagawang pelikula sa Vienna

KASALUKUYANG nasa Vienna, Austria ang Kapamilya actor na si Gerald Anderson filming a new movie under MAVX Productions, same producer ng “A Faraway Land” na pinagtambalan nina Paolo Contis at Yen Santos na dinirek ni Veronica Velasco at kamakailan lamang ipinalabas sa Netflix Philippines.

Wala pang ibang detalye kung sino ang kapareha ni Gerald at director ng pelikula.

Samantala, nag-take advantage ang nobyo ni Julia Barretto sa pagkakataon na magkaroon sila ng bonding moment with his American dad na si Gerald Randy Anderson, Sr.habang nasa Austria siya for his latest film. In between breaks ay namamasyal ang mag-ama sa mga famous sites ng lugar tulad ng The Belvedere, isa sa mga World Heritage Sites in Vienna maging ang The Schonbrunn Palace among others.

Si Gerald ay huling napanood sa pelikulang “Between Maybes” na ipinalabas nung May 2019 at kung saan nagsimula ang kanilang love affair ng kanyang girlfriend ngayon na si Julia Barretto.

MuraMygz pinuri dahil sa pagmamahal kay Mura

MARAMI ang pumuri sa boyfriend ng namayapang si Mahal (Noemi Tesorero) na si Mygz Molina dahil minahal at hindi ito nagpabaya sa kanyang kasintahan up to the very end. Dalawang taon din tumagal ang kanilang relasyon at ito ang kasa-kasama ni Mahal sa paggawa ng vlog ng namayapang actress.

Si Mahal ay sumakabilang buhay nung nakaraang August 31 dahil sa Covid-19 at magkasukob sila ng buwan ng kanyang ama na unang lumisan nung August 5, 26 days apart.

Bukod sa mga kapatid at nobyo ni Mahal, labis na dinibdib ni Mura (Allan Padua) ang maagang paglisan ng kaibigan na nakuha pang sadyain siya sa Bicol.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of #TicTALKwithAster Amoyo on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE