Janella

Janella, bukas sa pakikipag-usap kay Julia

September 28, 2021 Vinia Vivar 385 views

JuliaInamin ni Janella Salvador na hindi na sila nag-uusap ng dating kaibigan na si Julia Barretto.

Sinabi niya ito sa YouTube vlog ng celebrity twins na sina Joj at Jai Agpangan kung saan ay naglaro sila ng Drink or Spill Challenge.

Isa sa mga tanong kay Janella ay kung kumusta na sila ni Julia.

Napa-“ha?” si Janella at nagkatawanan sila.

“Me ganu’n?” balik-tanong ng aktres.

“Sasagutin ko. Honestly, hindi na kami nag-uusap ngayon ni Julia. And there was an issue before na hindi ko na sasabihin pero alam n’yo na kung ano ‘yun,” simula niya.

Ikinuwento rin niyang nag-reach-out naman sa kanya si Julia nang malaman nitong buntis siya.

“Nag-reach-out siya nang nalaman niyang buntis ako. Sinendan niya ako ng balloons, tapos nag-thank you ako. Pero hindi na nag-progress ‘yung friendship namin,” she said.

Pahabol ni Janella, “Open naman ako in the future if ever magka… you know, if we cross paths again, then why not? But right now, hindi kami pa nag-uusap.”

Ang sinasabing issue marahil ni Janella ay ‘yung napabalitang pag-unfollow ni Julia sa kanya at kay Joshua Garcia sa Instagram noong 2019.

‘Yun ‘yung panahon na kainitan ng loveteam nina Janella at Joshua sa Killer Bride but at that time naman ay break na ang aktor kay Julia.

Sa ngayon ay naka-follow na ulit si Julia sa IG accounts nina Janella at Joshua, pero hindi pa niya nalilinaw up to now kung bakit siya nag-unfollow sa dalawa that time.

BIGLAANG PAGTATAPAT

Nagpadala na sa bugso ng damdamin si Cedric (Jake Ejercito) pagkatapos niyang aminin kay Camille (Janine Gutierrez) ang lumalalim niyang pagtingin sa Marry Me, Marry You, na napapanood gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z at TV5.

Nagulat si Camille sa biglaang pagtatapat ni Cedric ng kanyang damdamin.

Bago ito, umamin din si Cedric sa best friend niyang si Andrei (Paulo Avelino) na mahal na niya si Camille kaya pumayag siyang lumipat sa bagong kumpanya nito upang makasama ang dalaga.

Habang susubukan ni Cedric na makuha ang loob ni Camille, naiinggit din siya sa relasyon nito kay Andrei dahil labis ang ipinapakitang pagmamalasakit ni Camille para rito.

Abala kasi silang tatlo ngayon sa bagong kumpanya na itinayo ni Andrei para kalabanin ang ama nitong si Emilio (Edu Manzano).

Desidido na si Andrei na patunayan sa kanyang ama na kaya niyang maging matagumpay na negosyante pagkatapos siyang alisin sa kumpanya dahil sa pananabotahe ng stepmom niyang si Laviña (Teresa Loyzaga).

Hindi lang ang reputasyon ni Andrei ang gustong sirain ni Laviña dahil plano rin nitong wasakin ang pamilya ng nanay ni Andrei na si Elvie (Cherry Pie Picache).

Isiniwalat kasi ni Laviña sa pamilya ni Elvie ang matagal na nitong sikreto na totoong anak nito si Andrei at nagkaroon siya ng relasyon kay Emilio noon.

AUTHOR PROFILE