Janella

Janella umamin na nagpa-liposuction

September 28, 2021 Aster Amoyo 441 views

IT was only last March nang i-celebrate ng mag-partner na Janella Salvador at Markus Paterson ang kanilang relasyon now blessed with an almost one-year-old son na si Jude Trevor (turning 1 on October 20).

The 23-year-old young couple admit na nag-iba umano ang kanilang priority sa buhay nang dumating si Baby Jude na siyang sentro ng kanilang attention ngayon.

Samantala, inamin ng singer-actress na si Janella na sumailalim siya ng liposuction kay Dra. Vicki Belo para mawala ang kanyang unwanted fats sanhi ng kanyang pagbubuntis at panganganak kay Baby Jude.

Hindi ikinaila ni Janella na hindi naging madali at first na gawin niya ito but eventually did it na hindi naman niya pinagsisihan and she loves her body now.

Janella and Markus are both hands-on parents kay Baby Jude.

YllanaimgMga anak nina Jomari at Joko bagong loveteam

JOKO Diaz’ eldest child sa kanyang wife na si Abigail Diaz na si Ashley Diaz (17) ay contract artist na ng Viva and she is paired with ex-couple’s Aiko Melendez and Jomari Yllana’s only child na si Andre Yllana (23) sa weekly drama series on TV5, ang “Di Na Muli” na tinatampukan nina Julia Barretto, Marco Gumabao at Marco Gallo at kung saan din kasama sina Angelu de Leon, Bobby Andres, Liz Alindogan, Baron Geisler, Katya Santos, Lander Vera Perez at iba pa.

Sina Ashley at Andre ay bini-build-up ngayon ng Viva as a new loveteam. Ang dalawa ay close na ngayon sa isa’t isa. Hindi naman ikinakaila ng binata nina Aiko at Jomari na na nagpaparamdam na umano siya sa teen-age daughter ni Joko pero ayaw umano niya itong madaliin lalupa’t 17 pa lamang ito at engrossed sa pag-aaral, vlogging at sa kanyang singing and acting career. Inamin din ni Andre na nagbibigay umano siya ng chocolates kay Ashley na ina-appreciate naman ng teen singer-actress. Madalas din umano silang magkatawagan at magpalitan ng text messages sa isa’t isa, isang patunay na close na umano sila sa isa’t isa.

Bukod sa kanyang amang si Jolo, tiyahin ni Ashley ang actress na si Cheska Diaz at lolo naman niya ang namayapang character actor na si Paquito Diaz at kapatid nitong si Romy Diaz kaya hindi kataka-taka na pasukin din niya ang showbiz.

Si Andre naman ay sumusunod sa yapak ng kanyang estranged parents na sina Aiko at Jomari. Sa ngayon, inaamin ni Andre na mas maganda ang relasyon nila ng kanyang amang si Jomari ngayon kumpara noon. Mas nagbibigay na raw ito ng oras na magkasama o magka-usap sila nang mas madalas na ina-appreciate naman ng young actor.

Ashley considers herself a papa’s girl at mama’s boy naman si Andre na lumaki sa piling ng ina at ng kanyang grandma na si Elsie.

Si Ashley ay Grade 12 student sa San Beda – Alabang habang si Andre ay nagtapos ng automotive dahil tulad ng kanyang amang si Jomari ay sobra umano ang hilig niya sa sasakyan at car racing.

Parehong idolo ng AshDre ang loveteam ng magkasintahang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla o KathNiel dahil napakatatag ng kanilang relasyon at team-up na sampung taon na ngayon.

IanIan may matinding dahilan sa pagba-backout sa show

NANGHIHINAYANG ang fans ng singer-actor na si Ian Veneracion dahil hindi na ito mapapanood sa inspirational hit TV series ng ABS-CBN, ang “Huwag Kang Mangamba” na pinagbibidahan nina Andrea Brillantes at Francine Diaz dahil umano sa conflict ng taping schedule sa iba nitong prior commitments. Pero hindi pa ipinapaalam ng Dreamscape Entertainment kung sino ang ipapalit sa character na gagampanan sana ni Ian.

Si Ian ay huling napanood sa TV series na “Oh My Dad” sa TV5 maging sa iWant content na “My Single Lady”. Kasama rin siya sa hindi natapos na TV series sa Kapamilya channel, ang “Make It With You” na pinagbidahan nina Liza Soberano at Enrique Gil dahil sa Covid-19 pandemic at pagkawala ng prangkisa ng ABS-CBN.

Hindi man natuloy si Ian na mapabilang sa “Huwag Kang Mangamba,” patuloy naman ang pamamayagpag ng primetime TV series na tinatampukan din nina Kyle Echarri, Seth Fedelin, Sylvia Sanchez, Eula Valdez, RK Bagatsing, Nonie Buencamino, Mercedes Cabral, Dominic Ochoa, Matet de Leon, Enchong Dee, Mylene Dizon at iba pa. Inaabangan naman ang pagpasok ng mga bagong characters nina Nash Aguas, Andrea del Rosario at iba pa.

Alice ayaw pa ring ipakilala ang mister

HANGGANG ngayon ay hindi pa rin ipinakikilala sa publiko ng dating beauty queen-turned actress na si Alice Dixson (52) ang kanyang foreigner second husband (his nationality and name) na sa pagkakaalam namin ay may sariling business sa Boracay, the reason kung bakit madalas ang actress sa nasabing lugar.

Being non-showbiz and a very private person, pinangangalagaan ng actress ang identity ng kanyang husband na ama ng kanyang six-month old child na si Baby Aura na isinilang sa America sa pamamagitan ng surrogacy last April. Maging ang baby ng mag-asawa ay hindi pa rin ipinapakita ni Alice ang mukha sa publiko.

Ang first husband ni Alice ay ang Filipino-based in Canada na si Ronnie Miranda whom she married in 1999 but got divorced in 2013. Hindi nagkaroon ng anak ang dating mag-asawa.

When not busy, si Alice ay hands-on mom kay Baby Aura.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of #TicTALKwithAsterAmoyo on my YouTube channel. Follow me on Instagram@asteramoyo, Facebook@asteraamoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE