Jane at RK ‘di na itinatago ang relasyon

May 11, 2021 Aster Amoyo 1016 views

MUKHANG hindi na itinatago nina Jane Oineza at RK Bagatsing ang kanilang relasyon ngayon. Ang dalawa ay nagsimulang maging malapit sa isa’t isa nang sila’y magsama sa afternoon TV series na “Precious Hearts Romances: Araw Gabi” in 2017 na tumagal hanggang 2018. Muli rin silang nagkatrabaho sa pelikulang “Us Again” in 2020.

Jane (24) started her showbiz career as a child actress matapos siyang mapabilang sa now-defunct kiddie gag show na “Goin’ Bulilit”. Naging commercial model din diya. As an an adult ay naging bahagi siya ng reality talent show na “Pinoy Big Brother: All In” in 2014 at paglabas niya ng PBB house ay muli siyang nag-focus sa kanyang acting career.

Bago si RK ay na-link noon si Jane sa ex-PBB housemate at actor na si Kit Thompson, ang cager na si Jeron Teng at actor na si Arjo Atayde.

Si Jane ang first showbiz girlfriend ni RK, nakababatang half-brother ng actor na si Raymond Bagatsing. Si RK ay nagsimula in 2014 nang siya’y mag-guest sa weekly drama anthology ng GMA na “Wagas” na nasundan ng “The Half Sisters” TV series (also on GMA) nung 2015. Since isa siyang freelancer actor, napasama rin siya sa morning TV series ng ABS-CBN, ang “Be My Lady” na sinundan ng magkakasunod na guestings sa crime anthology na”Ipaglaban Mo” hanggang mabigyan siya ng kanyang first lead role sa “Wildflower” in 2017. In 2018 ay napasama rin siya sa “Precious Hearts Romances: Araw Gabi” na nasundan ng kanyang guesting sa “Maalaala Mo Kaya” at sa TV series na “Nang Ngumiti ang Langit” in 2019 at “I Got You” in 2020. Kasama rin siya sa top-rating primetime TV series na “Huwag Kang Mangamba”.

Sa recent birthday ni RK ay nag-post si Jane ng pagbati sa actor, “To this amazing person, my source of happiness….Happy Birthday (with heart emoji)”.

Kuya Jobert muling nakita ang nawalay na ina

PANG-MMK ang buhay ng actor-comedian na si Jobert `Kuya Jobert’ Austria na ipinaampon ng kanyang ina nung siya’y bagong silang dahil hindi siya kayang buhayin nito. Pero sa halip na mapabuti ay napariwara rin ang buhay ni Robert na maraming pinagdaanang hirap bago ito nabigyan ng pagkakataong makapasok ng showbiz at maiba ang takbo ng kanyang buhay maging ng kanyang kaisa-isang anak na lalake. Naranasan nilang manirahan sa isang lumang jeepney at kumain ng mga tira-tirang pagkain.

Nung nakaraang Mother’s Day ay ibinahagi ni Jobert sa kanyang YouTube channel ang kanilang pagkikita ng kanyang biological mother na si Amanda Villanueva na hindi niya nakita at nakilala sa loob ng halos 50 taon. Isang nagngangalang Jeremy Minorca ang nag-iwan ng mensahe sa Facebook account ni Jobert na gusto umano siyang makita ng kanyang tunay na ina. Although naroon pa rin ang hinanakit, tampo at maraming tanong sa kanyang ina dahil sa pagpapa-ampon sa kanya, nangibabaw pa rin ang excitement kay Jobert na makita at makilala ang kanyang tunay na ina. At nang finally magkita ang mag-ina ay nasagot lahat ang mga katanungan na matagal nang nakaukit sa isipan ng comedian.

Nagyakap, nag-iyakan, nagkapaliwanagan at nagkapatawaran ang mag-ina kaya ngayon ay buong-buo na ang pakiramdam ng actor-comedian na naging bahagi ng “Banana Sunday” gag show at “Home Sweet Home: Extra Sweet” sitcom ng ABS-CBN.

Si Jobert ay nakatakdang umalis patungong Canada kung saan naka-base ang kanyang future wife na si Tiad Guzman.

Ngayong nakilala na ni Jobert ang kanyang tunay na ina ay kumpleto na umano ang kanyang pagkatao.

Samantala, nung August 16, 2014 ay nagtangka si Jobert na mag-suicide sa pamamagitan ng pagtalon mula sa ika-6 na palapag ng SOGO Hotel sa may Quezon Avenue in Quezon City pero ito’y na-rescue ng Quezon City fire fighters.

Si Jobert ay dumaan sa depression sa rami ng hirap na kanyang pinagdaanan maging ng kanyang kaisa-isang anak.

Ang madramang buhay ni Bayani

TULAD ng actor-comedian na si Jobert `Kuya Jobert’ Austria, pang-MMK rin ang buhay ng singer, actor-comedian at Marian devotee na si Bayani Agbayani (Bayani Rogacion, Jr.), only boy at bunso sa limang magkakapatid.

Ang dating lady executive ng GMA-7 na si Wilma Galvante ang nagbigay ng screen name sa kanya na Bayani Agbayani para may rhyme umano ang kanyang first and last name.

Tatlong taong gulang pa lamang noon si Bayani nang sumakabilang-buhay ang kanyang ama at age 35 kaya mag-isa silang binuhay ng kanilang ina sa pamamagitan ng pagiging isang street vendor.

Bayani took odd jobs at kasama na rito ang pagiging isang kargador sa Divisoria and supported himself through college. Siya’y nakapagtapos ng Mass Communication sa P.U.P. at nagsimulang magtrabaho bilang production set coordinator bago siya naging comedy writer ng “Salu-Salo Together” (SST), isang noontime show dati ng GMA na tinampukan nina Randy Santiago, Dennis Padilla, Smokey Manaloto, Liezl Martinez, Anjanette Abayari, Joy Ortega at Giselle Sanchez. Ang nasabing program ay nagsimula nung 1993 at nagtapos ng 1995. In 1994, naging bahagi ng programa si Bayani kasama sina Ai-Ai de las Alas at Bernadette Allyson. Nung January 27, 1995 ay nagpaalam sa ere ang SST to give way sa “Eat Bulaga” na lumipat at that time sa GMA mula sa ABS-CBN.

Although nagkaroon ng ilan pang programa si Bayani sa GMA, siya’y lumipat ng ABS-CBN nang maging bahagi rin siya bilang writer ng “The Sharon Cuneta Show” kung saan isa sa mga co-host ng megastar na si Sharon si Randy Santiago na isa nang malapit na kaibigan noon ni Bayani. Mula sa “The Sharon Cuneta Show” ay napasama si Bayani sa noontime show ng ABS-CBN noon, ang “Sanglinggo nAPO Sila” hanggang “Magandang Tanghali Bayan” o MTB. Napasama rin siya sa sitcom na “Kaya ni Mister, Kaya ni Misis” at kasunod na rito ang iba pang programa ng Kapamilya network.

In 1996, she married her girlfriend na nagtatrabaho rin noon sa production ng GMA na si Lenlen at sila’y nabiyayaan ng apat na anak na pawang babae, sina Maria Thalia, Maria Rosalinda, Mari Mar at Maria Sabrina. Sa apat na anak, si Thalia pa lamang ang may asawa na si James, brother ng actress-vlogger na si Bea Alonzo at meron na silang isang anak na si Santiago Vito (1). Ang pangalawa na si Rosalinda ay nag-aaral sa UST ng Tourism habang Computer Science naman ang kinukuha ng pangatlo na si Mari Mar. Ang bunso na si Sabrina ay 13 years, first year high school.

Dahil Marian devotee si Bayani, lahat ng mga pangalan ng kanyang apat na anak ay may Maria habang ang kanilang second names ay hango sa pangalan at character ng Mexican singer-actress na si Thalia dahil big fan nito ang misis ni Bayani na si Lenlen. Katunayan, may communication hanggang ngayon si Lenlen at si Thalia.

Sumakabilang-buhay man ang ina ni Bayani nung nakaraang Marso, nagpapasalamat ang actor-comedian na nabigyan niya ito ng magandang buhay bago ito yumao. Nadala rin niya ang ina sa iba’t ibang bansa tulad ng America, Canada, Europe at iba pa.

Aminado si Bayani na ang kanyang namayapang ina ang kanyang naging inspirasyon kung anuman ang kanyang narating ngayon.

“Siya parati ang nagpu-push sa akin na huwag gumib-ap kapag pinanghihinaan na ako ng loob noon,” pagbabalik-tanaw ni Bayani na pangarap na maging isang director balang araw.

Subscribe, like, share and hit the bell button of “TicTalk with Aster Amoyo” on my YouTube channel and follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE