Jake naging single dad muna bago nag-showbiz

May 1, 2021 Aster Amoyo 784 views

LATE bloomer na maituturing sa pag-aartista ang 31-year-old son ni dating Pangulong Joseph `Erap’Estrada at veteran actress na si Laarni Enriquez na si Jake Ejercito. Tinapos muna nito ang pag-aaral sa London at master’s degree sa Singapore bago pinasok ang showbiz.

Si Jake (Juan Emilio Ejercito) ay kasama sa bagong TV series ng Dreamscape Entertainment for ABS-CBN, ang “Marry Me, Marry You” na tatampukan din ng tatlong transferees from GMA na sina Paulo Avelino, Janine Gutierrez and most recently, si Sunshine Dizon. Makakasama rin sa nasabing serye sina Edu Manzano, Vina Morales, Cherie Pie Picache, Teresa Loyzaga, Lito Pimentel, Joko Diaz at Jett Pangan.

A single dad to nine-year-old daughter, Ellie (Adrianna Gabrielle Eigenmann) sa actress na si Andi Eigenmann, Jake does not regret na ngayon lamang siya pumasok ng showbiz dahil ginawa niyang priority ang pag-aaral.

Jake tried his first hosting job sa now-defunct Sunday musical variety show na “Sunday Noontime Live” on TV5 produced by Brightlight Productions pero ito’y tumagal lamang sa ere ng tatlong buwan. Ang nasabing programa ay pinagsamahan nila nina Piolo Pascual, Catriona Gray at Maja Salvador.

Kahit sandali lamang sa ere ang SNL ay nag-enjoy si Jake bilang TV host.

Pero kahit binigyan na ng nod ni Jake ang kanyang showbiz career, he will remain a devoted father to Ellie na mahal na mahal niya. Maganda rin ang kanilang relasyon ng ex-girlfriend na si Andi as co-parents.

Jake became a father at age 21 at hindi umano niya pinagsisihan ang maaga niyang pagiging ama dahil ini-enjoy umano niya ito ngayon with his daughter na magte-10 sa darating na November. Kung saka-sakali man daw na gustuhin ni Ellie na pasukin ang showbiz balang araw, susuportahan umano niya ito.

Jumbo ‘di agad nabalitang pumanaw na

ISA na namang taga-movie industry ang namaalam dahil sa heart stroke at Covid-19, ang beteranong actor at isa sa miyembro ng Salvador clan, si Jumbo Salvador na pumanaw sa edad na 74 nung nakaraang April 20.

Kasama sa bahay ni Jumbo ang kanyang pamangkin, ang actor-director na si Ricky Rivero na anak naman ni Tess Salvador.

Ayon sa nakababatang kapatid ni Jumbo na si Ramon Salvador, nagka-stroke umano si Jumbo nung nakaraang April 17 and he was rushed to three different hospitals. Dahil punuan, bumagsak siya sa Marikina Valley Hospital in Marikina City. Nung April 18 he was tested positive sa Covid-19 coronavirus. The following day, he was already declared brain dead at kinabukasan ng ala-una ng madaling araw ng April 20 ay tuluyan na siyang binawian ng buhay.

Nauna nang sumakabilang-buhay ang kanyang wife sa Amerika habang ang kaisa-isa niyang anak ay nasa Australia at may sarili nang pamilya.

Nung kabataan pa ni Jumbo ay isa siyang basketball player at actor. Nakagawa siya ng ilang pelikula tulad ng “Alakdang Gubat,” “Cain at Abel,” “Bato sa Buhangin,” “Kahit Demonyo Itutumba Ko,” “Durugin si Totoy Bato,” “Dimasupil Brothers” at iba pa.

Si Jumbo ay isa sa 102 mga anak ng namayapang basketball player, stage actor at talent manager na si Luis `Lou’ Salvador, Sr. na ang mga prominent children (in showbiz) include the late actor-director-producer Leroy Salvador, Jr., actress-producer Mina Aragon, the late Ross Rival (father of Maja Salvador and late actor Jon Hernandez),actress Alona Alegre (who died in December 2018), Ramon Salvador, actress Chona Sandoval and actor Phillip Salvador. Third generation ng Salvador clan sina Jobelle Salvador, Deborrah Sun at Maja Salvador.

Hindi agad nabalita ang pagpanaw ni Jumbo na aksidente lamang namin nalaman sa ex-wife ni Ramon Salvador na si Cynthia but got all the details from Ramon himself.

Ryan hindi nakalilimot sa ina sa Korea

HINDI kasama ng 29-year-old Korean ex-PBB housemate-turned actor-comedian at isa sa hosts ng noontime show na “It’s Showtime” na si Ryan Bang (Bang Hyun-sung) ang kanyang ina sa Pilipinas dahil nasa South Korea ito. Pero bilang anak ay hindi umano siya nakalilimot na padalhan ng pera ang ina na isang single parent.

Kinu-consider naman niya si Vice Ganda as his second `mom’ dito sa Pilipinas and he calls her/him `Mommy’.

Although isang true-blue Korean si Ryan, sinabi niya na meron siyang pusong-Pinoy at sobra niyang mahal ang Pilipinas at mga Filipino.

Meron na rin siyang Filipina girlfriend.

P-Pop group SB19 pasok sa Social Artist Category ng Billboard

SA kauna-unahang pagkakataon magmula nang mag-create ng bagong category na Social Artist Category in 2011 ang annual Billboard Music Awards, nakapasok ang Pinoy pop group na SB19 na binubuo nina Josh, Justin, Ken, Stell at Pablo. Ang SB19 ay isa sa finalists ng nasabing kategorya kung saan din kasama sina Ariana Grande, BTS, Blackpink at Seventeen.

Kung ang iboboto ng Filipino K-pop fans ay ang SB-19 sa halip na BTS, Blackpink at Seventeen ay malaki ang chance ng grupo na makuha ang award.

Ang Billboard Music Awards 2021 ay nakatakdang ganapin sa Microsoft Theater in Los Angeles, California, USA sa darating na May 23 ika-8 ng gabi.

Ang SB19 ay kauna-unahang Filipino act na nakapasok sa Billboard Social 50 at No. 28 on the week of December 28, 2019. Magmula noon, there was no stopping the P-Pop group sa pagba-viral sa halos lahat ng social media platforms.

Ang SB19 ay sumailalim ng three-year training sa ShowBT Philippines na subsidiary ng ShowBT Korea Group na siyang nag-training sa mga popular K-pop groups ng South Korea.

Although K-Pop ang look and moves ng SB19, they are 100% Pinoy kaya sana suportahan sila nang husto ng Filipino fans.

Subscribe, like, share and hit the bell button of “TicTalk with Aster Amoyo” on YouTube and follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE