Ivana Larawan mula sa IG/Ivana Alawi

Ivana naghain, nagpakain

March 24, 2024 People's Tonight 122 views

NAKAHAIN na ang umariba na namang karisma ng vlogger-actress na si Ivana Alawi.

Sa latest Instagram post ng ‘Batang Quiapo’ actress nitong Sabado, Marso 23, nag-aya ng kain si Ivana habang ibinabandera ang katakam-takam niyang katawan.

“Kain tayo,” maikling caption niya sa kanyang post.

Busog na busog na naman ang kanyang milyong panatiko hindi lang sa nakalagay na seafood sa lamesa, dahil maging ang kanyang dyoga ay hindi maiiwasan ng mga barakong pulutanin ng kanilang mga titig.

Makikita sa ilang larawan na mukhang naka-vacation mode ang social media star dahil balik ito sa kanyang bikini life. Suot niya ang kanyang two-piece tropical swimwear kung saan ramdam na ramdam ang tag-init dahil na rin sa perpektong hubog ng kanyang katawan.

Nabuhayan ang mga kalalakihan sa pag-aaya ng vlogger-actress. Game na game sila sa kanyang inihaing patakam.

Hindi rin pinalampas ng isa pang bombshell na si Zeinab Harake ang magbigay komento sa mga larawan ng kanyang kapwa social media star.

“Nakakaakit yung food pero mas kaakit akit ka,” saad ng ‘Kampon’ actress.

AUTHOR PROFILE