Kathryn

Isang simpleng birthday celebration para kay Kathryn

March 28, 2023 Aster Amoyo 441 views

Kathryn1WALANG alinlangan na hanggang ngayon ay ang tambalan ng KathNiel ng magkasintahang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang nangunguna pa rin among the present tandems of young artists nanagsimulanung 2011 sapamamagitan ng youth-oriented TV series na “Growing Up” na sinundan ng kanilang tambalan sa “Princess and I” series kung saan din tampok sina Enrique Gil at Khalil Ramos.

Kathryn was actually first paired with Enrique bago kinagat ang tambalan nila ni Daniel in “Princess and I” nung 2012. Ang dalawa ay nagsama sa 2012 Star Magic Ball kung saan sila ang nanalo ng award bilang Breakout Style Award.

Matapos ang tambalan nila sa “Princess and I” ay may lima pang hit TV series ang sumunod tulad ng “Got To Believe,” “Pangakosa `Yo,” “La Luna Sangre,” “The House Arrest of Us” at ang “2 Good 2 Be True” na nung isang taon lamang nila ginawa.

Taong 2012 nang una nilang gawin ang Star Magic ensemble cast na”24/7” na sinundan ng “Must Be Love” in 2013 na silang dalawa mismo ang mga pangunahing bituin. On the same year ay kinuha siya ng Regal Entertainment to be part ng 2013 Metro Manila Film Festival movie, ang “Pagpag: Siyam na Buhay”.

Taong 2014 nang gawin ng magka-loveteam at magkasintahan ang “She’s Dating the Gangster” na dinirek ni Cathy Garcia-Molina. Habang si Mae Alviar-Cruz naman ang nagdirek ng kanilang 2015 hit movie na “Crazy Beautiful You”. Ginawa rin nila ang pelikulang “Can’t Help Falling in Love” in 2017 na sinundan ng last movie nila together, ang mega hit movie na “The Hows of Us” na dinirek din niDirek Cathy.

Taong 2020 when it was announced na muling gagawa ang dalawa ng movie with Direk Cathy, ang “After Forever” pero hindi ito natuloy dahil sa pandemic. Ngayong 2023 ay matutuloy na umano ito. Ito bale ang magiging first movie together ng dalawa sa loob ng limang taon.

Ang dalawa ay huling napanood sa hit primetime TV series na “2 Good 2 Be True” nung isang taon na dinirek ni Direk Mae.

Of course, hindi rin makakalimutan ang pelikulang “Barcelona: A Love Untold” nadinirekni Olivia Lamasan at kinunanmismosa Barcelona, Spain.

Kung nakatakdang gumawa ng reunion movie ang KathNiel sa pamamagitan ng “After Forever,” may dalawa pang hiwalay na pelikulang gagawin si Kathryn without Daniel at may solo project din siyang gagawin without his lady-love.

The last movie na ginawa ni Kathryn was in 2019, ang box office record-breaking movie na “Hello, Love, Goodbye” na pinagtambalan nila ng Kapuso actor na si Alden Richards at dinirek din ng box office director na si Cathy Garcia-Molina. Ito bale ang isa sa mga pelikulang ginawa ng singer-actress-entrepreneur nahindiniyakasamasi Daniel nagumawarinnahiwalaynapelikulana hindi rin niya kapareha si Kathryn, ang “Kun Maupay Man ang Panahon” with Charo Santos-Concio.

Natutuwa naman ang dalawa na suportado sila ng kanilang mga fans kahit sa kanilang mga solo projects dahil kailangan din nilang mag-grow bilang actors para hindi rin sila pagsawaan kung sila ng sila ang magkatambal.

Ang loveteam at pagiging magiging magkasintahan nina Kathryn at Daniel ay maituturing na longest in showbiz having been in a relationship for almost twelve years now.

Sa nakaraang 27th birthday ni Kathryn last March 26, siya na mismo ang humiling ng isang simpleng birthday celebration.

“I requested for a low-key birthday celebration this year (thank you for listening @bernardomin). No birthday shoots, no big party, no reason to get glammed up – just me and the people that mean the world to me. Couldn’t have asked for a better way to welcome my 27th. My heart is so full.

“And to everyone who made time to greet me on my special day, I aim overwhelmed by all your love. Thank you. Sending my warmest hug to each and everyone of you!” pagbabahaginiyasakayang IG account.

Bago ang kaarawan ni Kathryn ay halos kababalik lang niya ng Pilipinas kasama sina Daniel Padilla, Joshua Garcia, ZanjoeMarudo (with girlfriend Ria Atayde in tow) at Eric Nicolas for a limited successful Star Magic concert tour in Europe including Abu Dhabi.

Although mahigit isang dekada na ang relasyon nila ni Daniel (28), wala pa umano sa kanilang immediate plans ang paglagay sa tahimik dahil pareho pa silang may mga pangarap na gustong matupad individually.

If Kathryn turned 27 last March 26, si Daniel naman ay magtu-28 sa darating na April 26.

Bembol mula sa pagiging pasaway naging mahusay na aktor

BembolBembol1AWARD-winning and veteran actor Bembol Roco admitted to us nahiwalay na umano sila ng kanyang non-showbiz wife but have remained good friends dahilnarinsakanilang five grown-up children at sakanilangdalawang apo. Pero hindinitoipinipinid ang pintuan ng kanilangreconcillationdahilkahitmagkahiwalaynasila ay walaumanosilang respective new partners.

“Mas magandanga ang relasyonnaminngayonkesanungnagsasama pa kami bilang mag-asawa,” pag-amin ng actor in our exclusive interview with him for our online talk show, ang “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel.

Hindi ikinakaila ng actor nasiya’yna-discover ng yumaong award-winning director nasi Lino Brocka saloob ng DARE Foundation, isang rehab napinamumunuan noon ni Fr. Bob Garon.

Sa walongmagkakapatid (4 boys and 4 girls), tanging siBembollamangnagingblacksheepsakanilangpamilya. He was about 13 years old nangsiya’y mag-stowaway with only P15 in his pocket at siya’ynakarating ng Baguio at bumalik ng Maynila mataposniyang ma-realizenamahirappala ang pagala-gala nangwalangpera at matutuluyan.

Umuwi man ng bahay si Bembol, nagpatuloy ang kanyang pagiging pasaway, barkada hanggang matuto siyang humitit noon ng marijuana.

Dahil halos uncontrollable na noon ang actor, nag-desisyon ang kanyang pamilya na siya’y ipa-rehab at nanatili siya roon sa loob ng 18 buwan. Nang gumaling siya ay ginawa siyang staff ng DARE at dito siya nakita ni Direk Lino na nagtungo sa nasabing lugar para humingi ng permit to shoot para sa pelikulang “Tatlo, Dalawa, Isa” na tinampukannina Hilda Koronel, Jay Ilagan, Perla Bautista, Laurice Guillen, SoxyTopacio at iba pa.

Since kailangan pa noon ni Direk ng makakasama sa movie, inalok niya noon si Bembol and was offered a P200/day shoot for five days habang ang suweldo niya noon ay P600 a month bilang staff ng DARE Foundation.

Since kikita siya ng P1,000 for a five-day work, tinanggap ni Bembol ang alok kahit wala siyang idea kung ano ang kanyang gagawin at wala umano siyang acting workshop. That was in 1974.

Nang gawin ni Lino Brocka ang 1975 movie na “Maynila: Sa Kuko ng Liwanag” produced by Mike de leon, he had Hilda Koronel and Jay Ilagan in mind. Pero nang makapag-shoot na sila ng ilangeksena, doon lamang na-realize nina Direk Lino at Mike na hindi bagay kay Jay ang role dahil mukha itong mataba on screen and they needed a leaner-look actor to portray the lead role. Dito naisip ni Direk Lino siBembol.

Ang baguhang actor na si Bembol ang ipinalitniDirek Lino kay Jay sa 1975 critically-acclaimed and award-winning movie na “Maynila: Sa Kukot ng Liwanag” which gave Bembol his very first Best Actor Award mulasa FAMAS Awards and that changed the young actor’s life.

His talent fee was also P200/ day and was given a one-on-one acting workshop ng yumaong director but that movie made him as an award-winning actor.

SUBSCRIBE, like, SHARE and click the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE