Anrearicci

Kapatid, rumesbak sa bashers ni Andrea

March 28, 2023 Vinia Vivar 180 views

Viral at dalawang araw nang pinag-uusapan ang “promposal” na ginawa ni Andrea Brillantes sa boyfriend na si Ricci Rivero para maging escort niya sa first Star Magical Prom sa March 30.

Paano ba naman ay ginawa niya ito sa concert ng sikat na K-pop girl group na Black Pink na Born Pink nitong March 26 sa Philippine arena.

Magkasamang nanood sina Andrea at Ricci ng Born Pink at habang ongoing ang concert ay may hawak-hawak na “promposal” placard ang aktres.

Ang nakakatuwa, kahit nasa gitna ng crowd sina Ricci at Andrea ay nakita ng mga miyembro ng Black Pink ang placard na hawak ng aktres.

Binasa ng mga miyembrong sina Rose at Liza ang promposal banner na nagsasaad ng, “I just wanna ask Ricci Rivero, will you go to prom with Andrea?”

Makikita ring na-amaze ang mga miyembro sa promposal. Sigawan na ang audience at tuwang-tuwa si Andrea na as we all know ay matagal nang fan ng Black Pink.

Hinanap ng Black Pink members ang boyfriend ni Andrea at nagpakita naman si Ricci. Sabi ni Rose, “Please, go to prom with that girl.”

Masaya namang nag-yes si Ricci at hinalikan pa niya sa noo ang girlfriend.

Sigawang umaatikabo sa buong Philippine Arena.

Nag-viral agad ang video ng “promposal” at ang daming natuwa’t kinilig sa gimik na ito ni Andrea. Sey ng fans, ito na raw ang pinaka-bonggang “promposal” among the Star Magic talents.

Pero mayroon ding hindi natuwa sa ginawa ni Andrea at nakatikim pa rin ng pangba-bash ang aktres. May nagsabing masyado raw papansin ang magdyowa at inagawan pa ng eksena ang Black Pink.

Hindi nakatiis ang ate ni Blythe na si Kayla Aan Gorostiza at sumagot siya sa kanyang Instagram Story na burado na ngayon pero nakunan na rin ng fans ni Andrea at nai-share na sa social media.

Ayon kay Kayla, talaga naman nagpapansin si Andrea sa Black Pink dahil nga fan ito ng grupo.

“Yes. ‘yun naman talaga point. Fan talaga ang kapatid ko, masama ba kung nag try siya magpapansin sa idols niya? Aminin na natin, lahat tayo gustong mapansin ng BLACKPINK, ok????” ang pahayag ng kapatid ni Blythe.

Ikinuwento rin ni Kayla ang matindng effort na ginawa ni Andrea para sa nasabing concert.

“Umaga pa lang nasa arena na siya para pumila JUST LIKE EVERYONE ELSE. Nagpa print siya ng 6 na banners (both in Korean and in English) to do a promposal for her VERY FIRST PROM.

“Nagtiis siya sa init, tumayo ng ilang oras, sure din ako nagtiis siya wag umihi, she exerted as much as effort as everyone else,” pagbabahagi ni Kayla.

“Artista siya, yes pero hindi ibig sabihin noon eh bawal na siyang umasta na parang normal na tao. If ‘normal fan’ ‘yan, y’all would be saying cute,” patuloy ni Kayla.

Sa huli ay nagbigay siya ng mensahe sa mga “bitter” people.

“’Di talaga ko nag rereact sa mga ganitong bash but damn, leave my sister alone u bitter people. She’s allowed to be a fan girl,” ani Kayla.

Paliwanag pa niya, “Gusto lang niyang maging super special ang FIRST PROM niya. Let her be.”

AUTHOR PROFILE