Revirginized

I have earned the right to try out new roles — Sharon

July 4, 2021 Ian F. Fariñas 859 views

Direk Darryl: ‘Revirginized’ ’di para sa Sharonians

INILABAS na kagabi ang trailer ng Revirginized, ang pinakabago at sinasabing pinaka-daring na pelikula ni Sharon Cuneta na hatid ng Viva Films at Vincentiments ni Direk Darryl Yap.

Mapapanood ito sa Vivamax simula August 6.

Bago iyon, kanya-kanyang post sina Sharon at Direk Darryl sa socmed tungkol dito.

Sa Facebook post ng direktor, tuwiran niyang sinabi na ang Revirginized, kung saan katambal ng Megastar ang batang aktor na si Marco Gumabao, ay “HINDI PARA SA MGA SHARONIAN.”

Patuloy na paliwanag ni Direk Darryl, “sa mga pelikulang halos umabot na sa isang daan; ngayon nyo lang mararanasan si Sharon Cuneta sa ganitong sandali. hinila ko mula sa pedestal ang #Megastar at inilapit sa realidad ng mga kabataan ngayon, inilublob namin siya sa mga bagay na ngayon lang din nya naranasan hanggang maging si Carmela na siya at hindi si Sharon.
“hindi ko ipinagmamalaking ako ang unang direktor na nagpaBodyShot sa kanya, Beer pong, Vape atbp. Ang ipinagmamalaki ko, ay ang tiwalang ipinagkaloob niya sa akin, na bihira na lang nyang binibitawan sa panahon ngayon. at ang tiwalang iyon ay nasulit nang ipapanood ko sa kanya ang trailer na hindi siya makapaniwalang nagawa niya.

“Ang pelikulang #REVIRGINZED ay hindi lamang para makapagbigay ng lakas sa kababaihan at magmulat sa mga nakatatanda at kabataan kung bakit noon ‘nag-iinuman kapag may kasiyahan’ at ngayon, madalas — ‘nag-iinuman dahil malungkot.’ sa mga #Sharonians, ikinalulungkot ko, pero hindi para sa inyo ang pelikulang ito — DAHIL ALAM KONG KAHIT ANONG GAWIN NI SHARON ay mahal na mahal nyo na sya.

“ANG PELIKULANG ITO AY PARA SA MGA HINDI PA SHARONIAN na ngayon pa lamang bibilib at maniniwala sa galing, husay at kalidad na tanging sa isang SHARON CUNETA lamang magmumula. at doon, mabubuo ang mga tagahanga ni Sharon, mula noon hanggang sa mga susunod na henerasyon.”

Sa Instagram repost ni Sharon, nakiusap siya na i-enjoy na lang ng lahat ang mga bagong ginawa niya sa Revirginized.

“Hi, everyone! I just KNOW that my role of Carmela in this movie, and THIS TRAILER, and THE MOVIE as a whole, WILL SHOCK YOU. Please remember that it is just a movie, just another role that is VERY, VERY DIFFERENT from ALL THE OTHER ROLES you have seen me play. And this movie is the opposite of ALL the movies you have ever seen me in! Please broaden your mind, enjoy it, and I sincerely hope you watch it on Vivamax starting August 6! It’s gonna be a rollercoaster of a ride, because maninibago po kayong lahat sa akin dito. YOU HAVE NEVER SEEN OR HEARD DIALOGUE FROM ME LIKE YOU WILL IN THIS MOVIE. Please just have fun with it and do not forget that I have earned the right to try out new roles and take on new challenges after 43 years as a singer-actress. Thank you so much. I love you all and am proud of this movie. Don’t worry — I am still the same ‘Sharon’ who will still be doing the kind of movies you have loved seeing me in! It’s just that once in a while, please allow me to be different — at least on the screen. I am, after all, an actor. And doing all kinds of roles is part of my job! Thanks so much! And PREPARE YOURSELVES, PLEASE! Upo lang po at kapit sa upuan! Kung ako nga nashock – pero inenjoy ko naman po – sa pinagsasabi at pinaggagawa ko sa movie na ito, kayo pa kaya?!
“Love you all! God bless us all, always!” pagtatapos ni Sharon na kasalukuyan pa ring nasa Amerika.

AUTHOR PROFILE