Chie Larawan mula sa IG/Chie Filomeno

Hubog na kinuyog

March 16, 2024 People's Tonight 94 views

PINAGKAGULUHAN na parang isang tourist attraction ang pagdi-display ng kanyang katawan ang former member ng girl group na GirlTrends at aktres na si Chie Filomeno.

Sa isang Instagram post nitong Biyernes, Marso 15, tiyak na napanganga ang social media sa tumambad sa kanilang bikini photo ni Chie.

“Maayong buntag sa inyong tanan!,” pagbati ng aktres sa caption ng kanyang post.

Suot-suot nito ang kanyang two-piece bikini na nagpalutang sa toned body niya.

Mula sa kanyang legs hanggang sa kasingit-singitan ng kanyang katawan, panalo sa kakinisan ang aktres.

Sigaw pa nga ng netizens sa pagbabandera ni Chie ng kanyang kaseksihan, “Kumalma ka!”

Maging ang award-winning actress na si Janine Gutierrez ay hindi kumalma nang masilayan ang katawan ng kapwa aktres.

“Ayoko na!!!!!!!” komento ni Janine sa post ni Chie.

Dinumog ng iba pang reaksyon mula sa netizens ang nasabing post. Narito ang ilang komentong nakalap: “Grabe naman!”, “Kumalma ka!!!!”, “GIRL PANO NAMAN KAMI”, “Apakainit naman love”, “Nagsisimula na sya”, at “Sabihin mo paano kami hihinga please.”

AUTHOR PROFILE