Default Thumbnail

Hindi lahat ng partylists walang silbi

December 22, 2021 Allan L. Encarnacion 349 views

Allan EncarnacionNAPADAAN ako sa Fuentabella Hall ng Congress nitong nakaraang Thursday, December 16, matapos sundutin ang ilong ko para sa antigen test.

Nakatawag-pansin sa akin ang maraming toddlers na karga ng kanilang mga nanay sa isang munting programa doon na malapit sa entrance ng South Wing Annex building.

Akala ko kiddie party dahil may mga kulay berde at pula na mga accents palm posters.

Ang dakilang tsismoso, makikikain sana ng spaghetti meatballs pero bigo dahil programa pala iyon ng 1Pacman partylist para sa kanilang 1,250th child saved project.

Iyong mga batang nag-iiyakan, naglalaro at karga ng kanilang mga nanay ay pasyente pala ng conginetal heart disease. Meaning, mga batang may butas ang puso mula pa pagkasilang.

Sa nakalipas na mahigit limang taon ng 1Pacman partylist na kinakatawan nila Deputy Speaker Mikee Romero at Congressman Eric Pineda, mahigit 1,200
na musmos na heart patients ang kanilang nasagip.

Ito iyong sinasabi natin na hindi lahat ng partylist ay walang silbi kaya may mga nananawagan ng abolisyon nito.

Ramdam ko ang kaligayan ng mga magulang na nabigyan ng certificate ng 1Pacman para maoperahan ang kanilang mga anak sa Heart Center of Philippines na partner nila Cong Mikee at Cong Eric.

Isipin nating mabuti kung gaano karami ang batang nabigyan ng tiyansa na makatawid sa panganib ng sakit nila sa puso.

Hindi maliit ang gastos sa operasyon sa puso kaya alam nating hindi ito kakayanin ng pangkaraniwang pamilya. Ang average ng gastos sa heart operation ay nasa P300,000 hanggang P500,000.

Malaking halaga ito sa biglang tingin pero hindi kayang tumbasan ang bagong pag-asa na naibigay ng 1Pacman sa mga batang pasyente, lalo na sa kanilang pamilya.

Mabuhay ang 1Pacman partylist sa kanilang consistent humanitarian mission!

***

Isa sa gusto nating makabalik sa Senado ay si Senador Win Gatchalian.

Matagal na nating kaibigan itong si Win magmula pa nang una siyang sumabak sa pulitika bilang alkalde at kongresista ng Valenzuela. Pareho sila ng kanyang utol na Mayor Rex na may malaking pakinabang ang bayan.

Palibhasa’y mga likas na leader and manager, nagkaroon ng totohanang transformation ang Valenzuela City. Kung babalikan nyo ang kasaysayan ng Valenzuela, hindi nyo iisiping uunlad at malilinis dahil pusakal sa karumihan, pagbabaha at kahirapan noon ang lugar dahil sa kapabayaan ng mga naging lider doon.

Kaya nga kung mayroon mang dapat pasalamatan ang mga mamamayan ng Valenzuela, iyon ay ang pagboto nila sa mga Gatchalian nang paulit-ulit.

Si Win, magmula nang maging senador ay consistent din sa kanyang performance .

Palagi namang nasa winning cirlce si Win sa mga naglalabasang survey, lalo na nitong huli, No. 5 na siya.

[email protected]