Malasakit MALASAKIT SA UNDAS – Si P/Lt. Col. Jonathan ‘Jojo’ Villamor commander ng MPD Stn. 7, habang inaasiste ang isang senior citizen lulan ng wheelchair makaraang dumalaw ito sa Chinese Cemetery nitong nakalipas na araw ng Undas, Nobyembre 1. Kuha ni Jon-jon Reyes

Hinaing ng mga senior citizen sa Tondo, inaskyunan ng MPD

November 2, 2022 Jonjon Reyes 115 views

4 tiklo sa sugal, droga

MATAPOS makatanggap ng liham mula sa ilang senor citizen ang opisina ng Manila Police District (MPD) Jose Abad Santos Police Station 7 hinggil sa reklamo ng ilang matatanda sa kanilang lugar dahil sa samu’t saring ingay kahit na dis-oras na ng gabi sa Tondo, Maynila.

Nakasaad sa sulat na natanggap ni Police Lieutenant Colonel Jonathan Villamor, station commander ng MPD Stn. 7: “Ako po yung tumawag po sa inyo yung matatanda po na concerned citizens.

Wala po nangyari kagabi hanggang umaga po – ang sugal po at bentahan ng shabu sa Panday Pira Extension Brgy 61 Zone 5 po tuwing gabi hanggang umaga; ‘cara y cruz lahat po ng naglalaro, nagbebenta po ng droga sana maaksyunan po kuya maraming salamat po [pa]sensiya na po sa abala.”

Agad na umaksyon si Villamor at iniutos nito kay P/Capt. Manuel Calleja, Intelligence chief at hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) upang magsagawa ng validation at verification sa sinabing sumbong ng mga pasaway sa nasabing lugar.

Nang magpositibo ng impormante, dito na sinalakay ang kanilang target sa isang bahay sa Canal Dela Reina, Bgy. 61 Zone 5 at natimbog ang apat na suspek, kabilang ang isang babae.

Dito nila naaktuhang nagsusugal at may pot session na nagaganap kaya agad inaresto ang mga indibidwal.

Pawang nahaharap sa Republic Act 9165 Section 11 ng Article ll (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) bukod pa sa kasong Presidential Decree 1602 o illegal gambling.

Pinuri naman ni MPD Director Andre P. Dizon ang mga kapulisan ng Jose Abad Santos PS 7 sa ilalim ni Villamor dahil sa mabilis na pagtugon sa hinaing ng mga senior citizen sa nasabing lugar.

AUTHOR PROFILE