Default Thumbnail

Higit 100 Chinese vessels namataan sa WPS

April 28, 2023 Zaida I. Delos Reyes 232 views

TINATAYANG nasa 100 Chinese vessels ang namataan sa paligid ng West Philippine Sea (WPS) sa pagpapatrolya ng barko ng Pilipinas mula Abril 18 hanggang 24.

Sinabi ni Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson Commodore Jay Tarriela, kabilang sa mga barko ay Chinese militia vessels, isang People’s Liberation Army Navy (PLAN) corvette at dalawang China Coast Guard (CCG) vessels.

“The PCG has already submitted a report to the National Task Force West Philippine Sea (NTFWPS), highlighting the presence of a Chinese warship, the continued appearance of alleged CMM vessels within the Philippines’ Exclusive Economic Zone (EEZ), as well as the aggressive actions of the CCG against PCG vessels,” pahayag ni Tarriela.

Aniya, aabot sa 18 Chinese maritime militia vessels ang nakita malapit sa Sabina Shoal. Hindi umano tumugon ang mga barko sa radio challenges na ipinarating ng PCG upang umalis sa karagatang sakop ng Pilipinas.

Sa paligid naman ng Pag-asa Island, apat na Chinese maritime militia vessels ang nakita ng mga nangingisda.

Labingpitong (17) grupo naman na aabot sa mahigit sa 100 Chinese maritime militia vessels ang nasa palibot ng Julian Felipe Reef. Nagpadala ang PCG ng Rigid Hull Inflatable Boats (RHIB) sa lugar upang paalisin ang mga barko subalit hindi umalis ang mga ito.

Matatandaang nitong Abril 21, 2023, nagtagpo ang Chinese People’s Liberation Army (PLAN) Navy vessel na may bow number 549 at barko ng PCG sa may layong seven nautical miles mula sa Pag-asa Island.

Nitong Abril 23, hinarang ng dalawang CCG vessels ang barko ng PCG sa Ayungin Shoal.

“CCG vessel 5201 and 4202 exhibited ‘aggressive tactics’ towards BRP Malapascua and BRP Malabrigo, respectively,” pahayag ni Tarriela.

“CCG vessel 5201 was reported to have carried out dangerous maneuvers near BRP Malapascua, maintaining a perilous distance of only 50 yards. This close proximity posed a significant threat to the safety and security of the Philippine vessel and its crew,” dagdag ni Tarriela.

Sinundan pa umano ng CCG vessel 4202 ang BRP Malabrigo sa layong 700 yards at binabantayan ang pagkilos nito.