Hipon

Herlene, sawa na sa hipon

September 8, 2022 Vinia Vivar 340 views

Bagama’t nag-level-up na ang stature ni Herlene Nicole Budol at isa na nga siyang beauty queen ngayon, never daw niyang tatanggalin ang nauna nang binansag sa kanyang “Hipon Girl.”

Matatandaang hinirang na first runner-up si Herlene sa Bb. Pilipinas 2022 coronation night noong Hulyo at kahit nga napatunayan na niyang hindi siya isang “babaing hipon” na ang ibig sabihin ay sexy lang pero walang laman ang utak, tinatanaw pa rin niyang malaking utang na loob na sa bansag na ito siya unang nakilala ng mga tao.

“Hindi ko iwawala sa buong buhay ko ang pagiging Hipon Girl. ‘Pag nagpapakilala nga ako, eh, kahit maghahanap ako ng trabaho, sasabihin ko, Herlene Hipon Budol po ang sasabihin ko,” pahayag ni Herlene sa ginanap na media launch niya bilang endorser ng Rejuviant Premium Cocoberry Body Wash at Premium Cocoberry Instaglow Lotion.

“Hindi ko siya wawalain, kasi, du’n ako, eh. Du’n ako nag-start. Ang taong marunong lumingon sa pinanggalingan, mas iniaangat ng Panginoong Maykapal,” sey pa niya.

‘Kaaliw nga ang kwento niya na nagsasawa na raw siya sa pagkaing hipon dahil kahit saan siya magpunta ay parating ito ang inihahahain sa kanya.

“Dati, favorite ko na ‘yun, eh. Wala, eh! Ikaw ba naman, since 2018, lahat ng pinupuntahan ko ipinapakain sa akin lagi, hipon.

“Lahat ng klase. Kaya siguro ngayon, isa-isa na lang, ganyan. Dati, patay-gutom ako sa ganyan, eh,” sey ni Hipon Girl at nagtawanan ang lahat.

Samantala, super happy ang beauty queen/comedienne sa mga blessing na dumarating sa kanya kabilang na nga itong latest endorsement niya na Rejuviant na pag-aari ng pamilya ni Chique Ballon (CEO).

Pero bago siya pumayag ay sinubukan muna niya ang mga produkto nito at napatunayan naman daw niyang talagang effective.

Aminado rin ang dalaga na palibhasa nga ay mahirap lang sila dati, can’t afford niya ang mga lotion at iba pang skin care products.

Natawa nga ang lahat nang sabihin niyang dati raw ay bihira pa siyang maligo.

“Dati talaga, hindi ko feel maligo. ‘Di ba, kasi lalo na ngayon, may bagyo-bagyo,” sey niya.

Nang nakita niyang nagtawanan lahat, bonggang sita niya, “Naku tigil-tigilan n’yo ‘ko, tawa-tawa kayo riyan, kayo rin. ‘Pag naulan na, ‘ay perfect, walang ligo.’

“Nag-iinit pa akong tubig pay may emergency na lalakad,” tsika pa niya.

Nang tanungin nga kung bakit sa tingin niya napiling maging endorser ng nasabing skin care products, natatawang sabi ng dalaga, “Siguro, nakita nila ‘yung mga tuhod ko, dugyot.”

AUTHOR PROFILE