Default Thumbnail

Helper, todas sa pamamaril

February 21, 2022 Jonjon Reyes 319 views

APAT na tama ng bala ang tumapos sa buhay ng isang 30-anyos na helper matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang gunman sa pagitan ng Building 5 at 6, Permanent Housing, Balut, sa Tondo, Manila, nitong Linggo ng gabi.

Dead on arrival sa Tondo Medical Center ang biktimang si Gregorio Alcantara ng Building 214 Permanent Housing Tondo.

Batay sa ulat ni P/Lt. Adonis Aguila hepe ng Manila Police District-Homicide Section, bandang 10:05 ng gabi nang makarinig ng sunod-sunod na putok ng baril sa nasabing lugar.

Sa report ng pulisya, nakikipagkuwetuhan ang biktima sa ilang kaibigan nang dumating ang suspek na inilarawan na nakasuot kulay itim na polo shirt, short pants, face mask, at tsinelas.

Habang sugatan, nagawa pa ng biktima na makatakbo pero hinabol siya ng suspek at muling binaril dahilan para bumagsak ito sa sementadong kalsada.

Nang makitang napuruhan mabilis na tumakas ang suspek habang isinugod naman ang biktima sa pagamutan.

Inaalam naman ng pulisya ang pagkakilanlan ng suspek at motibo ng krimen. Nina Jon-jon Reyes at C.J Aliño

AUTHOR PROFILE