Default Thumbnail

Helper nagbigti sa kisame

May 19, 2022 Jonjon Reyes 243 views

ISANG 29-anyos na helper ang natagpuang nakabitin ang leeg sa kisame ng kanilang bahay sa Tondo, Manila, Miyerkules ng gabi. Base sa ulat mula sa Manila Police District (MPD)-Homicide Section, pasado alas 11:00 ng gabi nang madiskubre ng kapatid ng biktima na nakabigti sa kanilang kisame gamit ang kulay asul na nylon belt. Isinugod pa sa ospital ang helper subalit idineklarang “dead on arrival”. Ni Jon-jon Reyes

AUTHOR PROFILE