Heaven Larawan mula sa IG/@heavenperalejo

Heaven pinasilip ang langit

January 13, 2024 People's Tonight 167 views

TILA sumulyap ang “langit” sa mga bagong larawang ibinahagi ng aktres na si Heaven Peralejo.

Sa isang Instagram post ng ‘Nanahimik ang Gabi’ actress, ibinandera niya ang kanyang naging trip sa Siargao.

“Island girl,” sey ni Heaven sa caption ng kanyang post.

Tumambad sa netizens ang kaseksihan ng aktres habang nasa kanyang background ang tila pa-sunset nang langit.

Suot-suot ni Heaven ang kanyang swimwear habang todo-awra sa kanyang mga pose.

Makikita pa nga sa isang larawan ang kili-kili niyang kasing liwanag ng langit.

Sigaw ng netizens ay “hulog ka ng langit” sa mga seksing larawan ni Heaven. Nagliyab ang kanyang comment section dahil sa komento ng mga netizens.

“Wow gow ate heaven.”

“She should join the Binibining Pilipinas.”

“So pretty naman mo naman girl.”

“Ka blooming mo naman idol.”

AUTHOR PROFILE