Health Source: Department of Health FB

Health workers group nanawagan sa DOH na ilabas ang HEA

March 17, 2024 People's Tonight 127 views

MAINGAT ang panawagan ng ilang grupo ng mga health workers para ilabas na ng Department of Health ang kabayaran sa mga health emergency allowances (HEA) ng healthworkers sa bansa.

Matatandaang noong mga nakaraang buwan ay kabi-kabilang rally ang isinasagawa ng mga grupo ng mga healthworkers upang mabayaran na sila ng DOH sa ilang buwan at taon na pagkakautang nito sa kanila.

“Ang pondo ay nasa inyo na (DOH) mula noong Enero. Ano ang dahilan kung bakit hindi ninyo naibigay ang HEA para sa mga manggagawa sa pribadong ospital?,” ayon kay Ronald Richie Ignacio, tagapagsalita ng United Private Hospital Unions of the Philippines (UPHUP).

Ayon sa mga dokumento at datos mula sa Department of Budget and Management (DBM), mahigit P91 billion na ang nailabas nilang pondo sa DOH para mabayaran ang HEA ng mga hcws simula noong toang 2021.

Noong 2021, naglabas ang DBM ng P12.1 bilyong para mabayaran ang HEA, mahigit P28 bilyong noong 2022, P31.1 billion noong 2023, at P19.962 billion naman noong 2024.

Ang huling P19 bilyon ay inilabas ng DBM sa DOH noong Enero 1, 2024, maliban pa sa dalawang bilyong pisong nakalagak para sa HEA sa unprogrammed appropriations.

P64 bilyong pa lamang umano ang naipamimigay ng DOH sa mga healthworkers.

Ang tanong ng karamihan sa DOH, bakit hindi pa naipamimigay ang kabuuang pondo?

Nahihirapan din umano ang DBM na ma-compute ang kabuuang kakulangan sa pondo para sa HEA sapagkat hindi pa nagsa-submit umano ang DOH ng detalyadong report at accounting kung ilang tao na ang kanilang nabayaran at ilang buwan pa ang kulang.

AUTHOR PROFILE