Default Thumbnail

Hataman calls for sobriety, justice amid rising violence

July 30, 2022 Ryan Ponce Pacpaco 243 views

BASILAN Rep. Mujiv Hataman expressed hope that the senseless killing of Rolando Yumol, father of Ateneo shooting suspect Dr. Chao Tiao Yumol, will not escalate into a “series of violence”.

“It is our hope that this latest act of violence would not progress into a series of violent actions. Huwag nating hayaang maging normal ang pagkitil ng buhay sa ating kultura, lalo na kapag nadadamay ang mga inosenteng mamamayan,” Hataman said who earlier condemned the killing of elder Yumol.

“Nakikiramay kami sa pamilya ni Rolando Yumol at nananawagan kami sa mga awtoridad na imbestigahan at papanagutin ang mga responsable sa pagpatay na ito,” he said.

Hataman lamented that the crime happened just outside the elder Yumol’s residence in Lamitan City by still unidentified assailants, in broad daylight and in full view of people.

Last July 24, former Lamitan City Mayor Rose Furigay, her executive aide Victor Capistrano, and Ateneo security guard Jeneven Bandiala were killed during a shooting incident at the graduation ceremony inside the Ateneo campus.

Hannah, Furigay’s daughter, was wounded in the shooting incident.

“Nais ko sanang diinan: Kailanman at sa kahit na anong dahilan, walang saysay ang pagkitil ng buhay. Anumang uri ng karahasan ay walang lugar sa ating lipunan kung nais nating umunlad at kumawala mula sa imahe ng kaguluhan sa ating lalawigan,” Hataman said.

Hataman appealed to Basileños to help prevent violence, stressing Basilan has gone far in ensuring the safety of the people in the province.

“It is not who we are as Basileños, as Filipinos and as human beings. Malayo na ang narating natin sa Basilan at tungkulin ng bawat isa na siguraduhin na hindi mapupunta sa wala ang lahat ng paghihirap at sakripisyo ng karamihan upang makamit natin ang kaunlarang tinatamasa natin sa ngayon,” Hataman said.

“Huwag nating hayaan na ang pagkakamali ng iba ay maging sanhi upang mabaon tayong muli sa dusa dala ng pagkitil ng buhay ng mga inosenteng tao. Nagsisimula pa lamang tayong bumangon mula sa pandemiya na nagpadapa sa ating ekonomiya at kabuhayan. Kailangan nating magsumikap na mapanatili ang kapayapaan para sa kapakanan ng ating lalawigan,” Hataman stressed.

“At nananawagan tayo sa lahat, lalo na doon sa mga naglalagi sa social media: Maging mahinahon sana tayo sa mga oras na ito at maging mapagmatiyag sa pagsasamantala ng iba na layuning ilihis ang ating paghahanap ng hustisya para sa lahat,” Hataman said.

“Huwag nating husgahan, silaban o gatungan ang mga nag-aalab na damdamin ng bawat pamilyang nagdadalamhati sa mga nangyari. Nagluluksa pa ang lahat. Ang mga haka-haka o akusasyong walang basehan ay hindi makakatulong, at maaaring maging mitsa pa ng karagdagang karahasan,” he said.

AUTHOR PROFILE