Talento

Talentong Antipolenyo!

July 30, 2022 People's Tonight 201 views

Binigyang pakilala ni Mayor Jun Ynares ang mga atleta na taga-lungsod na nagbigay ng karangalan sa bansa, sa katatapos lang na 31st Southeast Asian Games (SEAG) sa Hanoi, Vietnam. Personal na ibinigay ni Mayor Jun sa limang atleta ang kanilang incentive mula sa pamahalaang lungsod. Ang Gold medalist ay tumanggap na P20,000; Silver medalist naman ay P15,000, at ang Bronze medalist ay nakakuha ng P10,000. Tumanggap din ng P5,000 ang mga naging finalists.

Ang mga nasa kolehiyo naman, tumanggap ng Sports Scholarship Grant, hanggang sila ay makatapos sa kanilang pag-aaral. “Congratulations sa inyo. Paghusayin niyo ang inyong mga talento na ibinigay ng Diyos. Tunay kayong Antipolo Pride. Talagang maipagmamalaki ang galing ng Pinoy, at tunay kayong certified loding kabataang Antipolenyo,” pahayag ni Mayor Jun.

AUTHOR PROFILE