Ataska Larawan mula sa IG/Ataska Mercado

Handa sa gapangan

March 16, 2024 People's Tonight 260 views

TILA ginapang ng alindog ng singer-songwriter at Vivamax actress na si Ataska Mercado ang natutulog na libido ng mga barako sa mga bago nitong ibinahaging larawan.

Sa Instagram page ni Ataska, kabogera kung siya ay umawra. Ang pag-pose niya habang nakasalampak sa sahig ay nagpapahiwatig na handa na sa gapangan ang sexy star.

Mapang-akit ang singer-songwriter sa kanyang messy hair look suot ang isang cropped shirt at underwear na pinaresan pa niya ng medyas.

Talaga namang mapapalingon ang kahit na sinong kalahi ni Adan kung masusulyapan nila ang kanyang makinis na legs at hourglass body.

Napa-comment tuloy ang mga kelot sa pagbabalandra niya ng kanyang sex appeal. Inulan ng puso at fire emojis ang nasabing larawan ni Ataska. Karamihan sa kanila ang sey sa kanya: “Napaka hot mo naman po!”

Pamilyar ang mga tao kay Ataska dahil bukod sa mga musika nito, tampok din ang dalaga sa mga palabas kabilang na ang Bisyo! (2023), Miss Granny (2018) at Sensitive and in Love (2020).

AUTHOR PROFILE