Default Thumbnail

Granada sumabog sa N. Cotabato; 1 patay, 3 sugatan

January 2, 2023 Zaida I. Delos Reyes 203 views

PATAY ang isang lalaki habang sugatan ang tatlo nitong kasamahan matapos na sumabog ang isang granada nitong Huwebes ng gabi sa North Cotabato.

Ang biktimang hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ay nakilalang si Oto Biangan, 20, at residente ng Barangay Kidama, Matalam, North Cotabato.

Nagtamo din ng tama ng shrapnel sa katawan ang mga biktimang sina Angara Mangatda, Esmael Landing at Kentol Macaalay, residente rin ng nasabing lugar.

Batay sa ulat na nakarating sa Camp Crame, ang insidente ay naganap Huwebes ng gabi sa Barangay Kidama.

Magkakasama umano ng mga biktima nang biglang sumabog ang isang granada na hindi pa malaman kung saan nanggaling.

Sa kasalukuyan, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya upang bigyang linaw ang insidente.