Posas1

Govt worker tiklo sa pekeng dokumento, lalaya kung may P3.672M

December 12, 2023 Jojo C. Magsombol 123 views

KAMPO HENERAL MIGUEL MALVAR, Batangas–Arestado ng mga otoridad ang isang empleyado ng gobyerno dahil sa mga pekeng dokumento sa Brgy. Poblacion C, Rosario, Batangas noong Lunes.

Nakilalang ang suspek na 71-anyos, may-asawa, government employee at residente ng Brgy. Palahanan 2nd, San Juan, Batangas, ayon kay Batangas Provincial Director Col. Samson B. Belmonte.

Inaresto ang suspek bandang alas-3:40 ng hapon ng magkasanib na pwersa ng Rosario police na pinangunahan ni PSSg Erwin De Castro kasama ang mga miyembro ng Regional Intelligence Unit (RIU) 4A Provincial Intelligence Team (PIT) ng Batangas at Provincial Intelligence Unit (PIU) ng Batangas.

Dinakip ang akusado dahil sa malversation through falsification of public documents sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court (RTC), Branch 87 ng Rosario, Batangas.

Maaring pansamantalang makalaya ang suspek kung makakapag-piyansa ng P3.672 milyon, ayon sa arrest warrant ng judge.

AUTHOR PROFILE