Yassi

Gov. Luigi ‘love of my life’ si Yassi

February 22, 2024 Vinia Vivar 73 views

Tinawag na “love of my life” ni Camarines Sur Governor Luigi Villafuerte si Yassi Pressman na ikinakilig naman ng aktres.

Sa Instagram ay nagbahagi si Yassi ng video na bahagi ng speech ng boyfriend sa isang event sa CamSur kung saan ay hayagang idineklara ng gobernador ang pagmamahal sa aktres.

“I truly believe pag inspired, lahat possible. Kaya I want to thank the love of my life for supporting this event. Babe, maraming, maraming salamat. Thank you, I love you so much,” pahayag ni Gov. Luigi.

Nagpalakpakan ang mga tao at sumigaw pa ng “kiss!” which means suportado rin nila ang relasyon ni Yassi at ng kanilang gobernardor.

Nag-flying kiss naman si Gov. Luigi sabay sabing, “Mwah! I love you babe!”

Caption ni Yassi sa video, “aysuuuus namaaan my heart you’re the sweetest @vincenzo.luigi.”

Sagot ng politiko, “meant every word bub.”

AUTHOR PROFILE