Showtime

GMA, ABS-CBN nagkapirmahan na para sa ‘It’s Showtime’

March 20, 2024 Aster Amoyo 114 views

Showtime1BulagaMAITUTURING na red letter day ang petsang March 20, 2024 dahil ito ang araw na nagkapirmahan ng panibagong kontrata ang GMA at ABS-CBN executives na may kinalaman sa paglipat ng Kapamilya top-rating noontime show sa Kapuso network na magsisimula sa unang araw ng Abril 2024.

Nang mawala sa ere ang programang “Tahanang Pinakamasaya” na pinangunahan nina Isko Moreno, Paulo Contis, Betong Sumaya, Buboy Villar at iba pa, lumabas ang iba’t ibang espekulasyon na maaaring ipalit sa nawalang programa, ang “It’s Showtime” na kasalukuyang napapanood sa GTV na pag-aari rin ng GMA. Nagkatotoo ang mga espekulasyon ng maraming tao dahil simula sa unang linggo ng Abril ay mapapanood na ang sinusubaybayang “It’s Showtime” nina Vice Ganda, Anne Curtis, Ogie Alcasid, Jhong Hilario, Vhong Navarro, Kim Chiu, Karylle, Amy Perez at iba pa sa Kapuso Network which has a wider reach than TV5 and GTV. Tulad ng dati, muling magiging matindi ang salpukan ng dalawang noontime show, ang “Eat Bulaga” on TV5 at ang “It’s Showtime” ng GMA na kabaliktaran noon. Ang “Eat Bulaga” ay dating napapanood sa GMA habang ang “It’s Showtime” sa old ABS-CBN frequency na napunta na sa mga Villar.

Dahil sa pagiging `Kapuso’ na ngayon ng Kapamilya-owned “It’s Showtime,” lalong nagkaroon ng pagkakataon ang mga Kapuso stars and talents na mapanood sa nasabing noontime program. Although nangyayari na rin naman ito sa GTV kung saan napapanood ngayon ang programa, magiging stronger ang puwersa ng “It’s Showtime” dahil hindi lamang mga Kapamilya stars and talents ang puwedeng mag-guest sa programa kundi pati mga Kapuso.

With the strong joint forces ngayon ng GMA at ABS-CBN pagdating sa “It’s Showtime,” paano kaya magiging competitive ang “Eat Bulaga” ng TVJ sa TV5 na walang sariling pool of talents kumpara sa Kapuso at Kapamilya?

Halos lahat ng malalaking stars ay hawak ng ABS-CBN at GMA.

Simula sa susunod na buwan ay magkakaalaman ang supremacy between the two rival noontime shows, ang “Eat Bulaga” ng TV5 at “It’s Showtime” ng GMA.

Samantala, ngayong tuluyan nang namaalam sa ere (nung nakaraang March 8, 2028) ang programang “Tahanang Pinakamasaya” ng Television and Production Exponents, Inc. (TAPE, Inc.), paano na lamang ang matatagal nang mga empleyado at production staff na nawalan ng trabaho?

Samantala, up for rent na ngayon ang APT Studios along Marcos Highway in Cainta, Rizal na pag-aari ng dating president-CEO ng TAPE, Inc. na si G. Antonio `Tony’ Tuviera, ang studio na gamit dati ng old “Eat Bulaga” at “Tahanang Pinakamasaya”.

Hindi kaya nagsisisi ngayon ang Jalosjos brothers na pinakawalan nila ang original gems ng dating “Eat Bulaga,” ang Tito, Vic & Joey maging ang Dabarkads?

As always, parating nasa huli ang pagsisisi.

Nadine at South Korean reality star magtatambal

NadineKoreanKorean1Korean2KAMI ang nag-suggest kay Boss Vic del Rosario, Jr., big boss ng Viva Group of Companies na gawan ng pelikula sina Nadine Lustre at ang South Korean Netflix star at “Single Inferno” heartthrob na si Park Min-kyu na nag-viral matapos nitong i-post sa kanyang IG account ang video kung saan sila nagkamasama (pero hindi magkatabi) ng Viva star na si Nadine Lustre sa isang fashion brand in South Korea not too long ago. The Korean personality also posted na big fan umano siya ni Nadine na ex-girlfriend ni James Reid.

Si Park ay 34 years old at may taas na 6’3”, isang South Korean police officer, search and rescue swimmer at member ng Korean Coast Guard Sea Special Rescue Team. Nagkaroon siya ng fan base nang siya’y sumali sa reality show na “Single Inferno” series on Netflix.

Nang kanyang i-post sa IG ang video ni Nadine na kuha sa isang fashion event in South Korea na kanya ring dinaluhan ay nag-viral ito nang ito’y umabot sa mga fans ng Viva star na kinilig at umaasa sa posibilidad na makagawa ng proyekto ang kanilang idol na si Nadine at si Park Min-kyu.

Nagulat mismo si Park Min-kyu na biglang dumami ang kanyang followers nang dahil lamang sa video ni Nadine na kanyang pinost.

Dahil dito, agad naming tinawagan si Boss Vic and personally suggested to him for a possible project nina Nadine at Park na agad naman niyang sinang-ayunan. Nangako sa amin si Boss Vic na kanyang ipapa-kontak si Park Min-kyu at na-excite ang Viva big boss sa posibilidad na makagawa ng pelikula na tatampukan ng dalawang stars.

Tanya masaya na bilang misis pero nami-miss din ang showbiz

TanyaKUNG tuluy-tuloy lamang ang showbiz career ng actress na si Tanya Garcia ay 28 years na siya sa industriya pero maraming taon siyang inactive dahil mas pinaboran niya ang kanyang pagiging housewife ng actor at dating gobernador ng Pampanga na si Mark Lapid (panganay ni Sen. Lito Lapid) at pagiging ina sa kanilang tatlong anak na lahat babae.

Pero natutuwa si Tanya na kahit maraming taon siyang inactive ay patuloy siyang nakakatanggap ng offers either for a TV series or movies, isang bagay na kanyang ipinagpapasalamat. Kaya on and off ang kanyang acting career pero ngayon ay muli siyang aktibo sa paggawa ng serye at pelikula na ang pinakabago ay sa bakuran ng Viva kung saan siya dati nakakontrata. Pero si Tanya ay nagsimula sa Star Magic (dating Star Circle) nung 1996 kung saan siya naging bahagi ng Star Circle Batch 5 at naging kapanabayan niya sina John Lloyd Cruz, Baron Geisler, Marc Solis, Shaina Magdayao, Kathleen Hermosa, William Thio, Serena Dalrymple, Thou Reyes, Mark Vernal, Melissa Avelino, Luis Villaruz at iba pa.

Pagkatapos sa Star Circle (na Star Magic na ngayon) ng ABS-CBN ay lumipat siya sa pamamahala ng Viva Artists Agency at siya’y napasok sa “Anna Karenina” kung saan niya nakatambal si Dingdong Dantes na ang unang ka-loveteam ay ang dati nitong kasintahan na si Antoinette Taus. When Antoinette’s family migrated to the US, si Tanya ang ipinalit sa kanya.

After “Anna Karenina,” muling nagtambal sina Tanya at Dingdong sa dalawa pang serye sa GMA, ang “Sana ay Ikaw Na Nga” at “Twin Hearts”. Pero kahit ginawa silang loveteam ni Dingdong sa bakuran ng GMA ay hindi umano naging sila at never umanong nanligaw ang mister na ngayon ni Marian Rivera sa kanya.

Noon pa man ay may crush na sa kanya ang panganay ni Sen. Lito Lapid na si Mark Lapid na noo’y nag-aartista na rin at gobernador na ng Pampanga.

Nang gawin ni Mark ang pelikulang “Batas Militar” na siya rin mismo ang producer under MTL Films, kinuha niya si Tanya as his leading lady. Ang buong akala pa noon ni Tanya ay si Sen. Lito ang kanyang makakapareha pero ang anak pala nito.

Sa pelikulang “Batas Militar” nagkalapit sa isa’t isa sina Mark at Tanya na nauwi sa kanilang pagiging magkasintahan and eventually sa kanilang pagpapakasal in 2010 at nagbunga ng tatlong magagandang anak na babae na sina Mischa Amidala (17), Matilda Anika (13) at Madeleine Ariana (7).

Although nung July 10, 2010 lamang ikinasal ang dalawa, they’re 18 years together kaya 17 na ang kanilang panganay.

Tanya describes her husband as loving, caring and a responsible family man.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE