Digong PNA file photo ni dating President Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping.

Gentlemen’s agreement null, void; walang saysay

April 16, 2024 PS Jun M. Sarmiento 67 views

MISMONG si Senate Majority Leader Joel Villanueva ay naniniwalang hindi dapat magpaapi ang mga Pilipino sa ginagawang pagmamalabis ng China kung saan ay pinagtanggol niya si Pangulong Marcos Jr., sa ginawa nitong paglapit sa Amerika at Japan gayundin sa iba pang mga bansa na nag aabot ng kanilang kamay sa ating bansa sa isyung pinagtatalunan sa West Philippine Sea.

“It is a blatant show of bullying in the side of China and we have no other choice but to seek the the help of our big brother and friend like US, Japan, Australia, Europe etc. Sa mahabang panahon, wala tayong nakuhang malinaw at matapat na pakikipag ugnayan sa bansang China at labas masok lamang sila sa ating Exclusive Economic Zone,” ani Villanueva kung ay iginiit din niya na malaking bonus ang ginawang pag alalay satin ng USA , Japan etc.

Pinagtawanan din ni Villanueva ang sinasabing gentlemen’s agreement kung saan ay nagiging malaking usapin sa kasalukuyan ang pagpasok na ito ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kung saan sinabi ng huling na wala silang matinding pinagtapusan kundi ang isang status quo na hindi gagalaw ang Pilipinas at hindi magpapadala ng anuman materyal upang ayusin ang barkong World War 2, na BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

“Huwag po tayong mag away-away at huwag po tayong magkahati-hati sa isyung ito ng West Philippine Sea. Ang gentlemen’s agreement na ito ay hindi naman binding at walang saysay. All of us knew na anumang gentlemen’s agreement na kagaya nito ay hindi naman talaga mapapatupad. Somehow, China is playing dumb dahil alam naman nila na hindi ito implementable. This is part of the destab move that China is doing para magkahati hati tayo. Atin ang WPS at dapat magkaisa tayo sa puntong ito.” giit ni Villanueva kung saan ay sinabi rin nito na ang gentlemen’s agreement sa China ay null and void simulat sapul.

Umapela din si Villanueva sa lahat ng Pilipino na iwasan ang pagbira sa kapwa Pilipino at sa pagtulong sa mga salitang kinakalat ng China sa pamamagitan ng pagpapa ulit ulit ng mga storyang nais ipalaganap ng Tsina.

“You have to choose your side. Tayo ba ay maka Pilipino o maka banyaga? My appeal is sana magkaisa tayong mga lider at isama natin ang taumbayan. Huwag natin lituhin ang bawat isa. Let us put our acts together. Sinuman man naniniwala na mali tayo sa WPS ay hindi tama ang pananaw dahil atin po ito at dapat lamang magkaisa tayo sa puntong ito.”