GCash

GCash, Lazada maglulunsad ng cash loans para sa online sellers

May 6, 2024 People's Tonight 110 views

NKIPAGTULUNGAN ang nangungunang finance app na GCash at ang lending arm nito na Fuse sa e-commerce platform na Lazada upang matulungan ang mga eligible sellers ng platform sa pamamagitan ng paglulunsad ng cash loans para sa mga ito.

Ang Fuse Lending ang kauna-unahang partner na maglalakip na seller loan product sa Lazada Philippines Centre app. Nagbibigay-daan ang kolaborasyong ito upang maabot ng Fuse ang micro, small, at medium enterprises sa labas ng GCash at hayaang makapag-alok ng loan ang Lazada sa mga seller nito.

Sinubukan din ng GCash at Lazada ang naturang programa sa iilang mga sellers o vendors sa nasabing platform at binabalak na ng mga ito na palawigin pa ang kanilang user base sa loob ng ilang buwan.

“As we continue to grow our presence in the micro, small, and medium enterprise (MSME) sector, which is the backbone of the Philippine economy, we are glad to be Lazada Philippines’ entrusted partner in providing their extensive network of small business owners with cash loans that are easier, safer, and more convenient,” sabi ni Fuse Lending President and Chief Executive Anthony Isidro.

Naniniwala rin ang head of seller financing ng Lazada na si Benjamin Ng na ang programang ito ay magdadala ng mas maraming oportunidad para sa mga Pilipinong negosyante sa loob ng digital retail space.

Kaugnay nito, nakahanay rin ang programang ito sa digital roadmap ng Bangko Sentral ng Pilipinas upang mas mapalakas ang landscape ng digital payments at digital financial inclusion sa pamamagitan ng paglipat ng 50 porsiyento ng mga retail transaction volume sa digital.

Ang kolaborasyong ito ay nagpapakita ng pagsisikap ng fintech at ng mga e-commerce giants na makapagbigay ng mas epektibong akses sa mas malawak na digital financial services para sa lahat ng mga Pilipino.

“This partnership represents an important step in our shared mission: contributing towards Sustainable Development Goal 17, expanding financial access to Filipino MSMEs, and accelerating progress in the Philippines.” dagdag pa ni Ng.

AUTHOR PROFILE