Default Thumbnail

Gabriela nagpaparamdam na dahil malapit na ang eleksyon

January 10, 2022 People's Tonight 506 views

TulfoKARAMIHAN sa politiko sa ating bansa, mag-iingay lang pag malapit na ang halalan lalo na iyong mga walang accomplishment.

Isang halimbawa nito ay itong grupo ng Gabrie na nag-iingay sa hindi raw pagdalo ni presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos sa pagdinig ng Commission on Elections (Comelec) noong January 7 sa disqualificatioj case ng dating senador.

Nagnga-ngawngaw si Gabriela Congresswoman at House Assistant Minority Leader Arlene Brosas dahil sa hindi raw pagdalo sa hearing ni BBM kahit man lang sa “Zoom”.

Tugon naman ng kampo ni Marcos, naka-isolate at self-quarantine si BBM dahil na-expose sa dalawang staff niya na may COVID.

Wala naman daw mahahawa si BBM sa “Zoom conference” hirit ni Cong. Brosas kasabay ang kantyaw na baka may “Zoomicron” virus lang ang presidential aspirant.

Pero lingid sa kaalaman ng karamihan, may taga-set up talaga ng mga live video o Zoom si BBM noon pa man ng magkasama pa kami sa isang radio program sa Radyo Pilipinas.

Anyway, nakakatuwa naman itong si Cong. Brosas at ang Gabriela. Hindi sila ang complainant sa kasong disqualification ni BBM pero nanggagalaiti ang mga ito para mapansin ng media.

Kung tutuusin, mga isyu hinggil sa kababaihan tulad ng rape, violence against women ang children, trafficking, at iba pa ang plataporma ng grupo.

Pero kung susuriin mo, bihira mong marinig na nagsasalita ang grupong ito hinggil sa mga nasabing isyu.

Kadalasan ay makikita mo ang mga miyembro ng Gabriela sa lansangan ang na nanawagan ng pagkontra sa kasalukuyang gobyerno.

Ang masaklap, kapag may lumapit daw sa kanila para makakuha ng hustisya ang mga biktima ng rape o pang-aabuso…ililista lang daw ito sa logbook at sasabihan lang daw umano na lumapit sa pulis.

Kaya ang mga biktima lumalapit na lang sa mga media o iba pang ahensya.

Bihira mong marinig ang Gabriela na tumutulong sa mga nagahasa o sa pagrekober ng kustodiya ng mga menor na anak kung hindi ito mga high profile case o yung pag-uusapan na ng media.

Kaya kay Cong. Brosas at mga kasamahan niya…madam unahin niyo kaya muna ang pagtulong sa mga kababaihan o mga single mom na kailangan ng tulong sa halip na puro protesta o yawyaw.

Otherwise, palitan nyo na ang inyong plataporma. Ni ErwinTulfo

AUTHOR PROFILE