Default Thumbnail

Freelance Workers bill ni Salceda, lusot na sa House labor panel

September 21, 2022 People's Tonight 759 views

APRUBADO na sa Committee on Labor and Employment” ng Kamara ang panukalang “Freelance Workers’ Protection bill” (HB 2821) na naglalayong bigyan ng ‘”egal and contractual protection” ang mga freelance workers o kontratadong mga manggagawa at gawing higit na magaan at mainam ang kanilang paghahanapbuhay.

Binalangkas ni Albay 2nd District Representative Joey Sarte Salceda, layunin ng HB 2821 na isulong at protektahan ang ang mga karapatan at kapakanan ng mga “freelance workers”, tiyakin ang makataong kalagayan at wastong bayad sa kanila, at protektahan ang kanilang mga interes kapag ayaw silang bayaran ng kanilang pinaglilingkuran, at mga gayong ibang usapin.

Pinagtibay na ng Kamara ang naturang panukalang batas noong 2021 sa ika-18 Kongreso nito ngunit hindi nakumpleto ang pagsasabatas nito. Ayon kay Salceda, sa ilalim ng umiiral na Labor Code, walang probisyon tungkol sa “freelancing” at wala ring legal na panuntunan kaugnay nito, kahit na lampas na sa 1.5 milyon an ang bilang ng mga Pilipinong freelancers bago pa nagka-pandemyia.

Sa ilalim ng HB 2821, ang freelance ay taong “hinirang na magtrabaho at babayaran sa kaniyang gawain, o kaya ay isang malayang kuntraktor ng trabaho ayon sa sarili niyang pamamaraan at labas siya sa kontrol ng humirang sa kanya” na maaaring isang korporasyong rehistrado sa SEC, o sariling negosyo ng humirang na rehistrado naman sa DTI.

“Kung ito ay maisasabatas, ang mga ‘freelancers’ ay magkakaroon ng ‘contractual protections and tax amnesty’ para sa sarili nilang sektor at dapat rehistrado din sila sa BIR,” ayon kay Salceda. Sa ilalim nito, ang humirang at freelancer ay lalagda sa isang kasunduan na malinaw at madaling unawain, at kapwa nila pag-iingatan.

AUTHOR PROFILE