Default Thumbnail

Francisco: MPD papaigtingin pa rin curfew kahit Alert Level 3

October 19, 2021 Francis Naguit 267 views

Gallora: Gang war suspects mga dayo, arestado na

MAHIGPIT pa ring ipinagbabawal ang pagtatambay at pag-kukumpol-kumpol na mga kabataan o mga menor de edad mula 17 taong gulang pababa pagsapit ng 10 p.m.

Ito ang inihayag ni MPD Director Police Brig. General Leo M. Francisco sa kanyang mga kapulisan.

Kung kinakailangang mag pa-duty ng mga kapulisan sa bawat barangay sa oras ng curfew ay kanila itong gagawin upang masiguro na wala ng mga tatambay na mga menor de edad at maging mga matatanda sa kalye ay kanila, ani Francisco.

Mahigpit ding ipinagbabawal ni Francisco ang pag-iinom sa mga kalye, pag-sasagawa ng celebrasyon ng kasal,binyag at kaarawan dahil nagdudulot ang mga ito ng away at ng pagkalat ng COVID-19 kahit na nasa COVID Alert Level 3 na ang Metro Manila.

Ito ay upang maiwasan ang kaguluhan o riot ng mga kabataan na ikinasawi ng isang 14-anyos na menor de edad kamakailan sa Tondo Manila.

Patuloy parin ang pagsasagawa ng mga kapulisan kasama ang mga barangay officials sa pagpapatrolya sa mga lansangan, kabilang ang mga eskinita pagsapit ng curfew.

Sino mang lumabag sa nasabing ordinansa ay kanila itong dadalhin sa Rasak upang doon na magpalipas ng gabi at bigyan ng kaukulang parusa.

Inatasan din ni Francisco ang mga kapulisan ng MPD kabilang ang Moriones Police Station 2,sa pamumuno ni PLT.Col. Magno Gallora, na wag tumigil sa pagpapatrolya.

“Hangga’t maari ay ugaliing magsagawa ng pagpapatrolya tulad foot patrol, mobile patrol Mobile at TMRU pag curfew sa kanilang mga areas of respnsibility,” ani Francisco. \

Tuloy tuloy din ang isinasagawang barangay visitation ni Francisco upang makadaupang palad ang mga barangay officials at malaman ang suggestions o hinaing ng bawat barangay resident kaugnay sa mga lumalabag sa batas.

Ayon naman kay MPD Station 2 commander PLT. Col. Magno Gallora nahuli na ang mga suspek sa loob ng 12 oras matapos ang pangyayaring gang war. Ang mga suspek ay pawang mga dayo mula sa ibang lugar, aniya.

Dagdag ni Gallora na patuloy pa rin sila sa pagbabantay at papaigtingin ang pagpapatupad ng curfew sa kanilang lugar.

“Ang bawat PCP ng MPD Station 2 ay hindi tumitigil sa pagmomonitor sa kanilang mga CCTV na nakakalat sa bawat barangay sa Tondo,kasabay ng pagsasagawa ng mga Oplan Galugad, checkpoint ,at maging ang pakiki-pag ugnayan sa bawat barangay upang maiwasan at di na maulit ang nangyaring riot,” ani Gallora. Nina FRANCIS NAGUIT & JON-JON REYES

AUTHOR PROFILE