Default Thumbnail

Floating device tumaob, bata lunod

May 6, 2024 Jojo C. Magsombol 130 views

NALUNOD ang isang bata noong Biyernes ng tumaob ang sinasakyang floating device sa isang resort sa Brgy. San Jose, Rodriguez, Rizal.

Isang taon pa lang ang biktima na residente ng 8 Parrot St., Batasan Hills, Quezon City.

Lumalabas sa imbestigasyon na bandang alas-1:00 ng hapon naliligo sa resort at sakay ang bata sa isang floating device na pinapanood ng kanyang mga magulang.

Aksidenteng tumagilid ang floating device kaya nalaglag sa tubig. Napansin ng mga magulang na nawawala ang kanilang anak kaya agad nilang hinanap.

Kinalaunan, natuklasan ang katawan ng bata sa ilalim ng tubig.

Isinugod ang biktima sa H-Vill Hospital sa Brgy. Manggahan, Rodriguez, Rizal pero idineklarang dead-on-arrival bandang ala-1:55 ng hapon ng attending physician na si Dr. Diana Lee Mandapat.

AUTHOR PROFILE