Manyak

Fitness instructor nangmanyak ng dalagita, bagsak sa selda

February 15, 2024 Edd Reyes 142 views

NAG-Valentine’s sa likod ng rehas ang fitness instructor na kinasuhan ng mga magulang ng bebot na paulit-ulit umano niyang tsinansingan sa Caloocan City.

Dakong alas-3:00 ng hapon, Valentine’s Day, nang timbugin tuluyang ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Caloocan police ang suspek na sa alyas Yuri, 35, sa 65 G. Martinez Ext., Kapanalig St., Caloocan matapos ang mahigit isang linggong pagmamanman ng pulisya.

Maayos na naisilbi kay Yuri ang arrest warrant galing kay Presiding Judge Barbara Aleli Hernandez Brioes ng Caloocan City Family Court Branch 1 para sa limang bilang na kasong ng lascivious conduct sa ilalim ng Sec. 5 (B) ng R.A. 7610 o ang “Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act.”.

Ayon kay Col. Ruben Lacuesta, Caloocan police chief, dapat isipin ang repercussion ng mga gagawin ninuman para hindi matulad kay Yuri.

Binigyan ng hukuman ng pagkakataong makalaya pansamantala si Yuri kung makapaglalagak ng piyansang P1,000,000.

AUTHOR PROFILE